Isinara ko na ang aking bunganga na kanina pang nakanganga, kasabay niyon ay tinanggal na ni First ang kanyang dalawang kamay na kanina pa ring nakahawak sa mukha ko.
Lumayo lang ako sa kanya ng kaunti para maikalma ko ang aking sarili. Sobrang bilis pa rin nang pagtibok ng aking puso. Kasalanan 'to ni PresiDemon, 'di ko tuloy maikalma ang aking sarili! Nag-inhale at exhale na rin ako ngunit gano'n pa rin!
“Mukha kang tanga ngayon, alam mo 'yon?”
Napasimangot ako bigla sa aking narinig. “Kasalanan mo 'to kaya ako nagmumukhang tanga ngayon!”
“At bakit naman?” dahan-dahang kumunot ang kanyang noo.
“Dahil sa'yo kaya hindi ko maikalma ang aking sarili! Sobrang bilis pa rin nang pagtibok ng puso ko!”
“Isa lang ang ibig sabihin niyan, may epekto talaga ako sa'yo.” and he smirked at me.
Binuka ko ang aking bibig pero sinara ko rin 'yon. Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko sa kanya bagkus ay nag-open up lang ako ng ibang topic.
“Teka nga muna, marunong ka naman bang manligaw? May alam ka bang paraan kung paano manligaw ng isang babae?”
“Hindi, at wala akong alam ni isang paraan.” eh? Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin na liligawan niya ako ta's hindi naman pala siya marunong manligaw? Patawa talaga ang lalaking 'to? “Pero I fucking have my fucking own ways para maging akin ka.”
Dahil do'n ay naramdaman kong nag-iinit muli ang aking pisngi. “Mr. First, 'di ako sanay na nagsasabi ka ng ganyan.” at nagkunwari akong kinikilabutan. “At please, kailangan kong pa kalmahin ang puso ko!”
He suddenly grinned then yumuko siya ng kaunti para magtapat ang mukha naming dalawa. “Sinasabi ko na sa'yo ngayon, masanay ka na. Dahil ibig sabihin lang niyon ay malakas na ang naging tama ko sa'yo.” hindi mawala-wala sa kanyang mukha ang ngiti niyang malawak. “H'wag mo na ring pa kalmahin 'yang puso mo, para parehas lang tayong dal'wa.”
Nakipagtitigan ako sa kanya at gano'n din siya sa'kin. Si PresiDemon ba talaga 'tong kaharap ko? Kasi... nakakapanibago.
“First...” I called his name as I breathed.
“What?”
“Ano’ng nagustuhan mo sa akin?” lakas-loob kong tinanong 'yan sa kanya. Gusto ko lang malaman kung bakit.
Hindi muna siya nagsalita. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin at pagkuwa'y lumayo siya ng ilang pulgada pero hindi pa rin niya nilulubayan ng tingin ang isang kagaya ko. Hindi ko alam kung ilang minuto niya na akong tinitigan pero after niyon ay nagsalita na rin siya.
“'Yong pagiging kakaiba mo. Aaminin ko... lampa ka, tanga at malas pa, plus 'yang pagmumukha na mayro'n ka pero dahil do'n kaya kita nagustuhan, idagdag pa 'yang ugali mo. Nakakaya mo akong kalabanin, nakakaya mong pabaguhin ang mga desisyon ko sa aking buhay kaya naman mas lalo akong nagkainteres sa'yo.”
Umiwas muna ako ng tingin sa kanya at mas lalo akong namula, hindi ko na kaya pa. Ewan ko ba pero parang kinikiliti ang aking tiyan sa mga sinasabi niya ngayon kahit na may kasamang panlalait.
Grabe talaga siya, kakaiba talaga ang lalaking 'to.
“Since may epekto ako sa iyo, gusto ko lang malinawan... gusto mo rin ba ako?” napatingin ulit ako sa kanya. Seryoso na naman ang kanyang itsura.
“Oo naman.” mabilis kong wika. Hindi na ako mahihiyang sabihin pa 'yon dahil gusto niya rin naman pala ako. “Pero kung ako ang tatanungin mo tungkol sa kung ano ang nagustuhan ko sa'yo eh masasabi ko lang na nagustuhan kita dahil sa mukha mo at no'ng panahon na humingi ka ng sorry sa'kin.” do'n ko talaga siya nagustuhan ng sobra.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Genç Kız EdebiyatıSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.