“Hindi ka ba nagagandahan sa'kin ngayon?” pagtatanong ko kay First nang matapos kaming kumain sa SweetEcstasy na Resto.
Saglit niya akong sinulyapan habang umiinom siya ng red wine.
“Hindi.”
Napasimangot ako.
“Seryoso? Sayang ang effort.” sayang effort nina Mom and Aly, sayang effort ng mga bakla at babaeng nag-ayos sa'kin sa iba't-ibang beautyshop at higit sa lahat, sayang ang effort ko.
“It's not fucking like that.”
“Eh, ano?” nakabusangot pa rin ako ngayon.
He sighed as he looked directly into my eyes. “Hindi na bago sa'kin ang ganyang ayos mo, dahil sa simula pa lang ay na gandahan na ako sa'yo kahit na... ang simple mong tignan noon.”
Bigla akong napangiti nang malawak. Taas noo akong nagsalita, “Sabi na nga ba, eh! Nagagandahan ka na sa'kin dati pa! May pa-ugly-ugly creature ka pang nalalaman sa'kin noon. Buti pa si Ennui, diretsahan niya akong sinabihan ng maganda dati kahit na-”
“Astrid.” kinalibutan ako sa paraan ng kanyang pagtawag sa pangalan ko.
“Okay. Okay.” nagiging PresiDemon na naman siya, nabanggit ko lang si Ennui, eh.
“Let's go, ihahatid na kita pauwi sa inyo.” he said as he stood up.
“Agad?”
“Ayaw mo pa?”
“Ayaw ko pa... sana.”
“Puta, ako rin naman kaso...”
“Naiintindihan ko.” may condition kaming dal'wa sa mga magulang ko at pag nalaman nilang sumuway ako sa usapang iyon pati si First, paniguradong magagalit sila.
Tumayo na rin ako at nauna akong naglakad palabas ng SweetEcstacy habang si First ay nagbabayad pa sa cashier. Nang lumabas na ito ay sabay na kaming naglakad.
“Don't be so fucking sad, Astrid.” inakbayan niya ako't pinapalapit niya lalo ang aking katawan sa kanya. “Para na rin 'to sa'tin. Ayaw kong ilayo ka nila sa'kin, natatakot ako sa pwedeng mangyari once we caught.”
“I know.” pinulupot ko ang aking dalawag braso sa kanyang bewang. “Hindi ako malungkot, sadyang ayaw ko lang munang umuwi.”
“May iba ka pa bang rason kung bakit ayaw mo pang umuwi?”
“Mayro'n. Ayaw kong mamatay sa pagkabagot do'n.” mas maganda pa 'yong dati kong buhay pero ito dapat ang makasanayan ko ngayon. Ang buhay na mayroon talaga ako, ang buhay pagiging anak-mayaman kahit na nakakapanibago.
He chuckled at hindi na siya nagsalita pa.
Patuloy lang kaming dalawa sa paglalakad sa ganitong ayos. When we reached the parking lot, he opened the door of his car for me, and I hopped in. He also hopped in, started the engine and drove the car away from that place.
And then, we're surrounded by a blues of silence.
We didn't dare to speak until we reached my family's Mansion at doon ko lang naalala si Rafa.
Nakalimutan ko si Bakla! Pero kaya naman niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat ako mag-alala masyado sa kanya. Baka mamaya ay nakikipagkwentuhan lang 'yon kay Raya o 'di kaya'y nagpapalibre na 'yon ngayon. 'Yon pa, makapal mukha niyon, eh!
I unlocked the seatbelt na at tahimik lamang akong bumaba ng kotse niya. Palapit na sana ako sa gate namin ng tawagin niya ako.
“Sweetie.”
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.