“Fuck, what?”
Bumakas sa kanyang mukha ang pagkagulat pero 'di kalaunan ay sumeryoso din siya.
“You're a... Shit.” ang seryoso sa kanyang mukha ay napalitan ng pagkainis. Naihilamos niya sa kanyang mukha ang palad niya. “Kaya pala ang mga kinikilos mo nitong nakaraang araw ay kakaiba.”
“I'm sorry...” I whispered it.
“Nalaman mo iyan nang makausap mo ang 'yong Ina, tama ba?”
Tumango ako. “Oo.”
“Then, bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin!?” kitang-kita ko sa mga mata niya ang naghahalong emosyon doon. Lungkot, pagtataka, pagkamuhi at pagmamahal.
Napatulo ang aking luha. “Natatakot kasi ako...” napatingin ako sa kanyang Lola. “Natatakot ako na baka... hindi niya lalo akong tanggapin sa pamilya ninyo.” then, tinignan ko muli si First. Mata sa mata. “Natatakot ako na baka layuan mo ako dahil ako ang nawawala nilang anak. Ako ay isang Velez.” patuloy pa rin sa pagtulo ang aking luha sa pisngi ko. “Naduduwag ako at sobrang natatakot ako sa pwedeng mangyari, First.”
“Mukha ba kitang lalayuan kapag nalaman ko na isa kang Velez, huh? I'm not that stupid! Mahal kita kaya tatanggapin kita ng buong-buo! Kahit isa ka pang Velez! Bago mo nalaman ang katotohanan, tayo na niyon. Minahal kita bilang si Astrid. Hindi ko kayang layuan ka, tandaan mo 'yan!”
Mas lalo akong napaiyak sa aking narinig, narinig ko naman ang pag gasped ng kanyang Lola.
May mainit na kamay na humahaplos sa aking puso.
Naramdaman kong niyakap ako ni First at hinalikan sa aking noo. “Wala kang dapat ikatakot, ikaduwag. Dahil alam mong mahal kita, at seryoso ako sa'yo.”
Napayakap tuloy ako sa kanya ng mahigpit. Wala akong pakialam kung nandito pa ang kanyang Lola.
“First...”
“Hindi maaari!” singit ng kanyang Lola. Napakalas tuloy ako sa pagkakayakap sa kanya ng wala sa oras. “She's a damn Velez, First! And that's the problem! Mainit ang dugo natin sa kanila, sa pamilya niya! At ano na lang ang iisipin ng mga tao sa'yo? Sa kanya? Sa atin? We are the fucking Caballero, hindi pwedeng magmahal ka sa isang kagaya niya!” I saw a range in her eyes. “Ang mga Velez ang dahilan kung bakit kamuntik ng maaksidente ang Lolo mo noon. Tayo ang sinisisi nila sa pagkawala ng kanilang anak. H'wag mong sabihing nakalimutan mo na 'yon, First?”
I gasped. Kaya ba siya galit sa'kin?
“Hindi ko nakakalimutan 'yon.” he answered.
I guled, nanatiling nakatingin lamang si First sa kanya.
“Then, what will you do now?” sinulyapan ko ang kanyang Lola. May pamanghamon siyang tingin sa kanyang apo. Nang tumingin muli ako kay First ay mababakas na sa kanyamg mukha ang matinding kaseryosohan.
“I will fight my love for her.” I gasped again. “I will end this fucking war, Lola. Handa kong isugal ang lahat para sa kanya. No matter what it takes.”
First...
Parehong hindi kami nakaimik ng kanyang Lola.
Pareho kaming gulat na gulat. Kaso, ang gulat ko ay napalitan ng saya habang kay Mrs. Minerva naman ay napalitan ng matinding inis.
“Fine! Don't call me when you need a hand, grandson!” at naglakad na siya palabas ng silid.
Naiwan kaming dalawa na nakatingin lamang sa isa't-isa.
“So...” pagsasalita ko. Napahawak ako sa aking mukha, feeling ko ay namumula na ito ng todo.
“Look at me, straight to my eyes.”
![](https://img.wattpad.com/cover/152098398-288-k731367.jpg)
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.