Hindi na ako umimik pa at hinayaan na lang 'tong si PresiDemon na hilahin ako papasok sa opisina ni Boss. Nang makita agad kami ni Boss na pumasok ay tumayo 'to agad habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
'Di ko siya masisisi, kasama ko kasi ang lalaking 'to. Dapat nagtatrabaho na ako habang nakikipagkwentuhan kay Niccolo. Dapat nasa studio na ako habang tinitignan kung pa'no magreport ang ilang reporter do'n. Maraming dapat akong gagawin ngayon kung hindi ko lang nakita ang lalaking 'to. Naudlot lahat, lahat-lahat!
At ngayon, gusto niya akong ipatanggal sa trabaho ko rito at magtrabaho na lang sa kanya. Aish, nakakainis!
“M-Mr. First, good morning.” pagbati ni Boss dito. “Sa'yo rin, Ms. Juan.”
Pwede namang Ms. Astrid na lang, eh. Ang bantot kaya ng apelyido ko! Ba't kay First, hindi siya tinatawag sa apelyido nito kahit na maganda 'yon? Tapos pagdating sa'kin ay Ms. Juan ang tawag? That's unfair!
Napatingin ako kay First nang makarinig ako nang mahinang pagtawa mula sa kanya. Napakunot-noo pa ako nang makita kong namumula na siya habang nakabungisngis na parang demonyo.
Problema ng lalaking 'to? Ano’ng nakakatuwa? May nakakatawa ba?
“Your surname is so ugly. You are really capable of some ugly things, aren't you? What the fuck.”
Nakikita ko rin sa kanyang mga mata ang amusement do'n.
Napasimangot ako at inirapan ko siya. Porket maganda lang ang apelyido niya, eh.
Maya-maya pa ay tumikhim 'to kaya napatingin din agad ako sa kanya. Nakita ko siyang sumeryoso ngayon. Nagsalubong na ang dalawa niyang makapal na kilay at tinignan niya ng masama si Ma'am Shiela.
“Gusto kong tanggalan mo siya ng trabaho ngayon. Ibigay mo sa'kin lahat ang mga papeles niya, sa'kin na siya magtatrabaho mamaya.”
“Wait, mamaya agad? 'Di ba pwedeng bukas?”
Agad-agad? Nakakinis na 'to, ah! Papahirapan niya ba ako ngayon? Hindi ba pwedeng ihanda ko ang aking sarili mamaya para bukas? Hindi ba pwedeng bukas na lang talaga ako magtrabaho sa kanya?
Sa pagsabat kong 'yon ay bumaling ang tingin sa'kin ni First, ako naman ang tinignan niya ng masama.
“Fuck, manahimik ka na nga lang dyan, pwede? Makakatikim ka na sa'kin, eh.” nanggigigil niyang wika.
Napakunot-noo ako. “Ano’ng matitikman ko sa'yo?” pagkain kaya? Marunong 'tong magluto? Tinignan ko mula ulo hanggang paa si First. 'Di halata, eh.
Pag-angat ng aking mga mata sa mukha niya ay nakita ko siyang pumikit at bumuga ng hangin bago siya magmulat. Sobrang sama na ng tingin niya sa'kin, para na naman niya akong papatayin.
“Fuck! I said shut up, ugly creature! God, you annoyed the hell out of me.”
“Sorry na.” wika ko naman sabay zinip ko na ang aking bibig sa harap niya. Nagtatanong lang ako, eh. Sinigawan agad ako.
Napatingin naman ako kay Ma'am Shiela na may kislap na ngayon sa kanyang mga mata. Okay, ano 'yon?
“Hey, you! Ihanda mo na ang mga papeles niya ngayon, hurry!”
Umupo pa 'tong si First sa isang single sofa na naroroon habang ako ay nanatiling nakatayo pa. Dali-dali namang nagtungo si Ma'am Shiela sa isang caddy do'n at may kinakalkal. Maya-maya pa'y may kinuha siyang brown long envelope at ibinigay 'yon kay Karma.
“'Yan na ang mga papeles niya. Pwede ko ba siyang makausap ngayon, Mr. First?”
Tumaas ang isang kilay ni First habang 'di maipinta ang mukha nito. “Why?” pagtatanong ng lalaking 'to sa Boss ko.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.