“Next!” wika agad no'ng babae na medyo maliit lang ngunit may itsura. Sa pagsigaw niya ay nawala sa isip ko si First.
“Dali! Tayo na!”
Naglakad na kami papunta sa kanya. Agad din kaming umayos ng tayo ni Rafa rito. Tinignan muna kami nang mabuti no'ng babaeng nag-aassist ng mga sasakay sa roller coaster.
“Familiar ka.” pagsisimula nito na siyang dahilan para ikakunot ko ng aking noo. “Nakita na kita sa kung saan, eh.” dagdag niya pa.
“Pwede ba, miss, pakibilisan 'yong pag-aassist sa'min? Kanina ko pang gustong sumakay sa roller coaster, eh.” wika ni Rafa sa'king likuran. Gusto kong humalakhak sa sinabi ng baklang 'to kaya lang ay na cucurious ako sa sinabi ng babae. Familiar daw ako, sa'n naman ako nito nakita?
“Wait lang, ah? H'wag kang paepal.” pagsagot ng babae kay Rafa.
Napa-woah ako sa'king kinatatayuan at manghang tinignan si Rafa na nakataas na ang isang kilay.
“Familiar siya, eh.” napatingin muli ako sa babae. “Ikaw ba ang tinatawag nilang The PresiDate?”
Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Rafa. “Oo! Siya ang tinatawag nilang The PresiDate. Bakit, may angal ka ba, huh?”
“Nagtatanong lang ako.” at inirapan nito si Rafa.
Namamangha ko lamang silang tinitignan. Ang cute nila, eh. Kung naging lalaki lang si Rafa ay magandang i-partner siya sa babaeng 'to.
“Sige na. Maaari na kayong sumakay.”
Pagkasabi ng babae ay agad akong tinulak ni Rafa pasakay sa roller coaster, sumakay kami sa unahang bahagi no'n.
“Nakakaimbyerna ang babaeng 'yon, ah! Akala mo naman ay ubod ng kagandahan, mas maganda pa nga ako sa kanya!” He keeps murmuring that. Napapangiti na lamang ako rito.
Sa dinami-dami ng mga babaeng nakaaway niya ay first time ko lang makitang naging ganito si Rafa.
“Hayaan mo na, Rafa.”
Hindi na siya umimik pa sa sinabi ko. Naghintay lamang kami ng ilang minuto bago nila paandarin ang roller coaster. Napahigpit agad ako ng hawak sa isang matigas na bagay na nasa both left and right ko na shoulder.
“Ready ka na ba, Astrid?”
Saglit akong tumingin dito sa katabi ko. “Oo, ready na ako.”
Dahan-dahan na 'tong umandar hanggang sa biglang bumilis. Napasigaw agad ako nang magtungo kami sa itaas at biglang bumaba. Pakiramdam ko ay nawala ang aking kaluluwa sa katawan ko.
“'Di na 'to mauulit pa!”
Sana'y nasa pad na lamang ako ni First ngayon para 'di ko 'to naranasan ngayon!
Bakit kasi kinailangan pa niyang umalis? Ayan tuloy, napunta ako sa sitwasyon na 'to!
Habang paulit-ulit lang kaming hinihilo ng sinasakyan namin ngayon ay namimiss ko bigla si First. Paano kaya kung siya ang katabi ko? Sisigaw din kaya siya gaya ni Rafa o magsasalubong lang ang kilay niyon?
Nawalan na tuloy ako ng gana bigla dahil naisip ko siya. Nang huminto na sa pag-andar ang roller coaster na 'to ay nakasimangot lang akong bumaba.
“Ba't ganyan na itsura mo, teh? Kanina sumisigaw ka pa ta's bigla kang nanahimik ta's ngayon, ganyan ka na. Ano bang problema mo, ah?” wika agad ni Rafa sa'kin pagbaba niya rin, naglakad na kami palabas dito.
“Wala! May naalala lang ako bigla.”
Hindi ko kasi alam kung bakit bigla kong namiss si First gayo'ng hindi naman dapat.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.