Chapter 32

8.9K 373 39
                                    

Nangunot ang aking noo nang ihinto na ni First ang kanyang kotse sa isang pamilyar na building. 

“Nagtanong ka pa sa'kin kanina kung saan ko gustong kumain tapos nang sinabi kong sa karinderya tayo kakain eh pumayag ka naman and then, dito pa rin talaga ang bagsak mo, ah?” hindi ako makapaniwala!  

“Napag-isip-isip ko kasi na ayaw ko na pa lang kumain sa gano'ng lugar, once is enough.” 

Napasimangot ako ng tuluyan sa kanyang sinabi. “Wow, ah! May nalalaman ka pang ‘once is enough’. Eh, nasarapan ka rin naman sa mga pagkain doon, ah!” 

“Eh, bakit ba? Ako naman ang magbabayad ng kakainin natin ngayon, ah?” at tinignan niya ako nang masama. Tinignan ko rin siya nang masama at pagkuwan ay lumabas na ako ng kotse niya. 

Wala eh, talo agad ako. 

Mukhang 'yong nangyari no'ng nakaraan ang una at magiging huli niyang experience sa karinderyang 'yon. 

Hindi ko na siya hinintay pa, nauna na akong maglakad papasok ng building ng may naalala agad ako bigla. Luminaw muli sa aking ala-ala 'yong pagkikita namin dito ni PresiDemon noong isang araw. 

“Bakit ka nakahinto riyan?”  

I looked at him. “May naalala lang ako.” 

“Ano’ng naalala mo?” 

“Naalala ko 'yong minura mo ako rito at sinabi mo na galit ka sa'yong sarili at hindi sa'kin.” 

“Damn, kinain lang naman ako ng matinding selos niyon, eh.” bigla na namang hindi maipinta ang kanyang pagmumukha ngayon. “Puta kasi bakit ko ba naisipang kumain muli rito?” yamot na yamot na siya. “Dapat pala sa karinderya na lang ulit.” I heard him murmuring the last sentence. 

Well, desisyon niya 'to, eh. “Ayaw mo ba niyon?” at ngumisi ako, “Memories?” at binigyan ko na siya ng isang magandang ngiti. 

“H'wag ka ngang ngumiti! Ang panget mo na nga tapos ngingiti ka pa ng ganyan!” 

“Wow, ah! As in wow!” pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. “Maganda kaya ako kapag nakangiti!”  

Nanlalait na naman kasi ang lalaking ito, parang 'di nanliligaw, eh! 

“Damn, hindi, ano!” 

“Hindi raw sa bayan.” dinuro ko kaagad siya. “Alam mong maganda ang ngiti ko, nagsisinungaling ka lang!” 

“Fuck! Hindi, ano!” biglang namula ang kanyang buong mukha. Is he blushing? Parang kanina lang din nang mamula siya, ah? 

Nginisihan ko siya sa kanyang reaction.  

“Oh, L.Q agad kayo, ah.” wika ng isang pamilyar na boses. Sabay kaming napalingon sa taong nagmamay-ari ng boses na 'yon. 

“Ennui, ikaw ulit!” ngingitian ko na sana siya ng may humarang na kamay sa aking bibig. 

“Hey, dating order pa rin.” ramdam ko sa boses ni First ang lalong pagkainis.  

Hinila na niya ako palayo kay Ennui na ngiting-ngiti sa aming dalawa. Nang tignan ko si Karma ay salubong na salubong na naman ang kanyang makapal na kilay. 

Hinila niya ako papunta sa pinakadulo ng restaurant. Agad niya akong pinaupo ro'n. Siya naman ay umupo na sa harapan ko dahilan para matanggal na niya ang kanyang kamay na tumatakip sa aking bibig samantalang hindi pa rin nagbabago ang kanyang ekspresyon. 

“Ano bang problema mo?” 

“Wala ka na ro'n.” aba, ang sungit bigla. 

“Seryoso ka ba riyan?” nakakunot-noo na ako ngayon. 

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon