“What the fuck!?”
Pfft.
Gusto kong humalakhak ngayon dahil sa itsura ni First. Nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga pagkain na nakalapag na sa mesa. “That thing!” tinuro nito ang tuyo. “Hindi ko kakainin 'yan!”
Umubo ako para magseryoso sa harap niya. “Mr. First, lahat ng pagkain sa mundo'y kinakain natin. H'wag ka nang maarte pa, daig mo pa ang ibang babae, eh.” and I evily smirked.
Mula sa pagkagulat ay unti-unti akong tinitignan nito nang masama. Nagkibit-balikat ako't nagpretend na wala akong nasabi kanina.
Kinuha ko na ang kutsara't tinidor at nagsimula na akong kumain.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko. Syempre, gan'to talaga ang mga Pinoy. Ganito kasarap ang mga simpleng pagkain na in-order ko.
Sinulyapan ko si First, nakatiim ang bagang nito at mahigpit ang pagkakahawak sa kutsara't tinidor habang masamang nakatingin sa mga pagkain.
“You freakin' know what? I'm fucking out of this shit! Ayaw ko ng kumain!” at tumayo na lamang siya bigla.
Napahinto ako sa pagkain at agad kong pinigilan si Mr. First. “Nandito naman na tayo, i-try mo muna kasi! Masasarap ang mga 'yan, promise!” ba't kasi ayaw magtiwala sa'kin ng lalaking 'to, eh?
“Putang-ina! Hindi nga ako kumakain ng mga basura!”
“Hindi naman basura ang mga iyan, eh! Pagkain 'yan! Pinoy ka kaya dapat matikman mo rin 'to. Ano pa't nandito ka sa bansang 'to kung hindi mo man lang na e-experience na makatikim ng ganitong mga pagkain, 'di ba?”
“Fucking shit!” pagmumura niya sa hangin. Inihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha at gigil na gigil akong tinignan. “I'll try eating this shits pero pag hindi ako nasarapan, you're fucking dead!”
Bago pa ako magsalita ay padabog na siyang umupo muli. Kinuha niya ulit ang spoon at fork and then, nagsimula na siyang kumain. Ang una niyang kinain ay 'yong tuyo. Diring-diri ang itsura niya, nandidiri sa itsura ng tuyo. Napakaarte talaga!
“Isinasawsaw 'yan sa suka, ah?”
“Tss, alam ko! Ano’ng tingin mo sa'kin, tanga? Stupid!”
Napasimangot ako at naparolled-eyes na lamang dito habang pinapanood siya. Nang maisawsaw na niya 'yon sa suka ay agad niya 'yong kinain kasama ng kanin. Nakatutok ang aking mga mata sa kanyang bibig. Dahan-dahan kasi siyang ngumunguya. Ang kanyang mukha ay unti-unting umaaliwalas. Hanggang sa nailunok na niya ang kinain niya.
“Ano, masarap ba?” pagtatanong ko kaagad.
“No.” poker face niyang wika. Dahil sa tinuran niya'y unti-unting sumilay muli ang aking ngiti sa labi.
“Talaga lang, huh?” pang-aasar ko.
“Tss. Kailangan ko pa bang ulitin, ah?” nayayamot na naman siya.
“Umamin ka muna kasi.”
“Wala akong aaminin. If I said no, ibig sabihin ay pa—”
“Oh, Mr. First, you're such a liar.”
“Shut the fuck up!”
Napabuntong-hininga na lamang sa huli. Hayy, ayaw pa kasing aminin na masarap talaga 'yong pagkain na inorder ko para sa kanya, eh.
“Okay. Sabi mo, eh.” at pinagpatuloy na namin 'yong pagkain.
Mabilis ko lang naubos ang lahat. Sarap na sarap talaga ako sa tortang talong at sa iba pa. Kasalukuyan na akong umiinom ng coke sa baso habang si PresiDemon ay walang imik na inuubos lang ang pagkain niya. At sa huli, ngumiti lang siya sa slight nang mag-angat siya ng tingin.
“Ano’ng tawag sa dalawang isda na kinain ko?”
“Daing at tuyo.”
“Great! Masarap din pala ang gano'ng pagkain.” eh, 'di umamin din siya!
I smiled widely because of what I have heared. “So, gusto mo pa?” Marami naman siyang pera, eh. Pwede siyang mag-order pa kung gusto niya.
“No, na busog naman na ako.” tumayo na siya at agad siyang nagtungo sa cashieran, sumunod naman ako sa kanya. Nagbayad na si PresiDemon at ako naman ay um-order muli para kay Kuya, do'n sa Driver. Bicol express at dalawang takal ng kanin ang in-order ko. Syempre, pinagbayad ko muli si PresiDemon kahit na yamot na naman siya sa akin.
Masaya akong lumabas ng karinderya. Syempre, nasarapan si PresiDemon sa tuyo't daing, eh.
Walang imik at walang sulyap lang siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Pagkakita sa amin ni Kuya ay agad itong bumaba ng kotse't pinagbuksan ng pinto si PresiDemon. Bago ako pumasok sa loob ay nakangiti kong inabot sa kanya ang pagkain na nakabalot sa plastik.
“Naku, nag-abala ka pa talaga. Pero salamat, hija, ah.”
“Walang anuman, kuya.” aniya ko't pumasok na rin ako sa loob.
Dali-dali namang bumalik si Kuya sa kanyang pwesto kanina at pinaandar na ang kotseng 'to. Tatlong Hospital pa ang pupuntahan namin at medyo traffic na. Mukhang ilang oras ko pang makakasama si PresiDemon at mukhang marami rin akong ichichika kay Rafa mamaya.
“Sa wakas.” I murmured.
Tapos na naming puntahan ang tatlong Hospital. Nagtagal lang kami lalo dahil sa traffic but it was great! Inasar-asar ko kasi si PresiDemon kapag ito ay magagalit sa akin. Kaya ang ending, nagbabangayan kaming dalawa na maski si Kuya ay nadadamay dahil binubulyawan siya ni First, at iyon ang hindi great para sa akin. Nandadamay kasi ng iba si PresiDemon!
Kasalukuyan akong hinahatid ni First and yes, siya na ulit ang nagdrive no'ng kotse niya. Pinauwi ko na kasi si Kuya dahil pagod na rin naman 'to. Hindi naman sumang-ayon si First ro'n dahil binabayaran niya rin daw 'to pero wala siyang choice kung 'di ang sumang-ayon sa akin, syempre ako pa!
“Saan dito ang apartment mo?”
“Ayon!” tinuro ko ang apartment naming bulok.
Nang makarating na kami sa harap no'n ay inihinto na ni First ang kotse.
“Thanks.” mabilisan niyang wika. Nagulat ako ro'n at hindi agad magfunction sa aking isipan ang kanyang sinabi. “I had a lot of fucking fun tonight because of you.” at pagkatapos ay agad niya akong itinulak palabas ng kanyang kotse. Yup, nakaupo muli ako kanina sa shotgun seat.
“Bastos talaga.” nakasimangot kong wika.
Agad niyang pinaharurot ang kotse niya. Naiwan naman akong nayayamot sa kanya pero 'di kalaunan ay napangiti rin ako.
“Thanks, I had a lot of fun tonight because of you.”
Bumalik sa aking ala-ala ang kanyang sinabi kanina. Naman, PresiDemon! Ako'y pinapangiti mo! Marunong pa lang magpasalamat ang lalaking 'yon! Huh! 'Di ko inaakala!
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.