Pahinga ko ngayong araw na 'to. Napakasaya naman ng araw ko ngayon, hayahay ang aking buhay!
Nakahilata lang ako sa kama ko habang nagsasoundtrip. Mabuti naman at pahinga ko ngayon, matagal ko nang pinalangin 'to sa D'yos para magkaroon ako ng konting pasensya pa kay First. Para makapag-beauty rest na rin ako at para maenjoy ko ngayon ang araw na walang Karma.
Maaga pa naman, oras na para kumain ng agahan pero 'di ko lang alam kung nagluluto ngayon si Rafa o hindi.
Buti pa nga siya may beauty rest kahit papa'no, ako wala. Ngayon lang ako makakapaggano'n.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at agad akong lumabas sa aking kwarto. Hindi ko na pinatay pa ang tugtog sa'king nokia na cellphone. Dire-diretso lamang akong nagtungo sa kusina, napangiwi ako nang makita ko si Rafa na nakaupo sa laps ni Niel at sinusubuan 'to ng pagkain.
“Naaasiwa ako.” naibulalas ko.
Sabay silang napatingin sa'kin. Ngumiti si Niel at kumindat. “Gusto mo bang maranasan ang gantong kasweetan? Do'n ka kay First. Mayaman na 'yon at nabiyayaan pa sa mukha.”
Napasimangot ako. “No thanks. Kay Ennui na lang ako.” mabait pa ang lalaking 'yon, 'di gaya ni First.
“Hay naku, Astrid. H'wag ka na ro'n. Nandyan na nga sa harap mo 'yong taong bigay sa'yo ng D'yos pero inaayawan mo? Grabe, ah. Mapili ka pa.”
I rolled my eyes on Rafa. “Shut up nga! Agang-aga si PresiDemon na naman ang naririnig ko, ang kanyang pangalan na naman ang aking naririnig.”
It's Rest Day today! Dapat walang First ako na maririnig!
“Sus, if I know gustong-gusto mong marinig ang kanyang pangalan.” pang-aasar pa sakin ni Rafa. “Baby, tama ako, 'di ba?”
“Yes, baby.”
“Yuck! Kadiri!” pagrereact ko.
Nandidiri talaga ako sa kanila pero dahil nagugutom na ako at kailangan ko ng pagkain ay no choice ako kung 'di ang lumapit sa kanila para makakuha na no'n. Kahit masakit sa aking mata 'yong view, kahit na nakakadiri sila, support ko pa rin si Rafa sa kanyang love story with Niel!
Sana all, 'di ba?
Kumuha na ako ng plato, kutsara't tinidor and mabilisan kong pinagsasandok ang kanin at ang ulam namin na pritong isda pagkatapos ay umalis na ako sa kusina. Naaalibadbaran ako, eh.
Siguro, may mga ganitong single talaga. 'Yong biglaang nabibitter. 'Yong biglaang makaramdam ng inggit. Kasi ako, 'yan ang nararamdaman ko ngayon. Oo, nandidiri ako sa kanila. Sa sobrang sweet nila ay naiinis ako.
Nakasimangot kong tinungo ang aking kwarto, padabog kong sinara ang pinto. Umupo ako sa kama at nagsimulang kumain kaya lang ay nawawalan ako ng gana bigla. Ang tugtog sa cellphone ay panglove story na kaya pinatay ko na ang tugtog na 'yon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng tumunog ang cellphone ko. I looked at the screen at nanlaki ang aking mga mata ng makitang tumatawag si First.
Ba't 'to tumatawag ngayon? Rest Day ngayon, ah?
Hindi kaya uutusan ako nito? No, it's Rest Day today! Kailangan kong magpahinga!
H'wag ko kaya munang sagutin ang tawag? Baka importante naman ang dahilan no'n kaya siya napatawag, ano?
Itnigil ko na agad ang aking pagkain at kinuha ang phone, akmang sasagutin ko na sana ang tawag ng maputol 'yon. Eh? In-end call? Wala pang one minute ng magtext si First.
From: PresiDemon
Fuck! Sagutin mo ang tawag ko or else you're dead.
I'm dead daw sa bayan. Nang tumawag muli siya ay sinagot ko na.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.