Palihim kong sinusulyapan si First ngayon, diretso lang ang tingin nito sa daan habang mahigpit ang kapit niya sa manibela.
Napapalunok ako ng sarili kong laway dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon. Ang bigat ng aura sa loob ng kotse. Gusto kong magsalita, gusto kong itanong sa kanya kung ano ang problema niya kaso halata sa itsura niya na galit na naman siya at mukhang malalim din ang kanyang iniisip habang nagmamaneho ng sasakyan.
Ang bad timing naman ata kung magtanong ako sa kanya. Baka masigawan na naman niya ako, eh. Baka mamura niya lang ako, kaya shut up na lang ako rito.
Lagpas ilang minuto na at feeling ko ay tinutuyuan na ako ng laway dito. Kung magsalita na kaya ako? Ano bang first move ang dapat kong gawin? Ang dapat kong alalahanin sa mga oras na 'to ay ang masamang ugali ni Karma, dapat ay idaan ko muna sa joke.
Oo, tama! Tsk, ang talino ko talaga! Magandang ideya ang pagsabi ng joke sa mga oras na 'to. Pero hindi naman ako joker, hindi ako comedian, anong alam kong joke? Wala, wala ni isa!
Sinulyapan ko muli si First, tumikhim at kasabay no'n ay ang pag-iwas ko nang tingin dito. Nakita ko sa'king peripheral vision na sandali 'tong sumulyap sa'kin.
“May sasabihin ka?”
Nagulat ako nang marinig ko ang kalmadong boses niya. Agad akong napatingin sa kanya na nanlalaki ang aking mga mata.
“Ano?” ngayon, inis na naman siya. Masama niya akong sinulyapan. Marahil dahil sa binigyan ko siya ng kakaibang titig.
Napasimangot ako dahil sa turan niya't napahalukipkip. “Ba't mo ako hinila palayo sa kanila? Wala ka talagang respeto.”
“So?” bored na wika niya. “I don't fucking care.”
May ideya na naman akong naisip. “Aminin mo na kasi na nagseselos ka.” hindi ko alam kung ano’ng kaluluwa ang sumapi sa akin at nasabi ko 'yon pero nag-eenjoy ako, ang sarap niya rin kasi asarin minsan!
“Selos?” wala sa sarili nitong tanong.
“Oo.” nag-aalinlangan pa akong sabihin sa kanya ang dalawang bilog na letra na 'yan.
Maya-maya ay biglang huminto ang sasakyan. Napakurap ako ng dalawang beses bago ko siyang tignan muli. Ano na naman ang problema nito?
“Marahil....”
“Marahil, ano?”
Hindi niya pinansin ang aking tanong. Nakatingin lang talaga siya ng diretso sa daan habang maluwag na ang pagkakahawak niya sa manibela.
Maya-maya pa'y binuksan niya ang pinto at lumabas siya ng kotse. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto pagkatapos ay hinila ako palabas ng kanyang kotse.
“Magtaxi ka na lamang pauwi sa apartment mo, may pupuntahan pa pala ako.” cold na wika niya sa'kin at hindi man lang ako tinitignan ng diretso sa mga mata ko.
Mabilis ang kanyang pagkilos, sa isang iglap ay nasa loob na siya ng kotse at agaran niyang pinaharurot 'yon palayo sa'kin.
Hindi naman ako makapaniwala na iniwan niya ako rito. Pwede naman niya akong ihatid sa apartment ko bago siya pumunta sa pupuntahan niya, 'di ba? Hindi 'yong ganito!
Ang labo niya talaga!
Hinila ako palayo kayna Ennui, ang lakas pa ng loob niya na sabihin sa dalawang 'yon na siya ang maghahatid sa akin sa apartment na tinutuluyan namin ni Rafa tapos ganito? Walanjo!
Napapapadyak ako rito dahil sa inis. “Bwisit ka, First!” pagsisigaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao rito. Basta, nanggigigil ako sa lalaking 'yon!
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.