Ameera's POV
"Meera salamat naman at naisipan mong lumipat dito Leenian University at sa palagay ko ay magiging masaya ang taon na 'to dahil magkasama tayong tatlo." Masiglang sabi ni Amelia ang aking kaibigan, maganda sya at may itsura hindi tulad kong simpleng mag-aaral lamang wearing a eyeglass na medyo malaki.
"Correct ka dyan Amelia! Dahil basta tayong tatlo ang magkasama, walang makakapigil sa kabaliwan natin." Masayang sambit ni Leen, typical beauty ang taglay ni Leen at kagaya ko hindi din masyado pipansin ng mga tao.
"Hindi magiging masaya 'to dahil magkakahiwalay naman tayo ng section eh." Nanghihinayang kong tugon sa mga sinabi nila, ang boring ko kaya last year dahil wala akong kakilala sa dati kong school at ngayon, palagay ko ay magiging ganon ulit kahit nasa iisang paaralan kami ay hindi pa din mapapantayan ang saya kung magkakasama kami sa isang room.
"Ano ka ba Meera, edi pag break time at dissmisal natin ay dun tayo maghahasik ng kabaliwan haha." Napatawa nalang ako Kay Amelia na puro kabaliwan ang bukang bibig.
"Meera mygosh! may ipis yata sa damit mo hala pumasok na sa uniform mooo! Amelia kunin mo!" Sigaw ni Leen at tinuro pa ang likudan ko, tila ba'y tumaas ang balahibo ko at lahat ng cells ko sa katawan ay nabuhay. Takot ako sa ipos dahil sobrang kadiri at dumi nila.
"Ayoko nakakadiri, ikaw nalang!" Sigaw ulit ni Amelia, nakadagdag pa ng tensyon sa katawan ko yung pagturo at takot sa muka nila na may ipis talaga sa uniform ko.
Tumalon-talon ako at pinapagpag ko ang uniform mo gamit ang kanang kamay ko habang nasa kaliwang braso ko naman ang bag ko. Nawa'y sa pag-alog ng katawan ko ay umalis ns ang ipis at lumipad na ng tuluyan.
"AHHHHHHHH!" sigaw nila dalawa at tumakbo palabas, sa puntong ito ng buhay ko naging over acting na ako sa loob ng isip ko na baka kagatin ako, baka pumasok sa palda ko at matarok ang perlas ng silanganan ko... hindi ko gusto na isang ipis lang ang makakuha ng virginity ko at magkaroon ng itlog ng ipis sa sinapupunan ko.
Napailing ako sa mga naiisip ko.
"Hoy! Sandali tanggalin nyo muna 'to!" Sigaw ko at nagtatatalon sa sobrang takot, dahil sa kaba ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya lumabas nalang ako ng cafeteria at sinundan sila Leen at Amelia na tumakbo palabas.
"Ang lalakas nila mang trip, nakakairita!" Bulong ko sa sarili ko.
"Excuse me po." Sabi ko sa mga dumadaan dahil sobrang dami na ng studyante kaya di ko na sila masyadong makita. Parang overpopulation na ang Leenian University chos.
Nahanap ko sila at natanaw ang dalawang bruha na nagtatawanan sa hallway. At bilang tao na naiinis sa dalawa kong kaibigan, handa akong ilabas ang immaturity side ko sa kanila kaya naisip kong batuhin ng bagong bili kong black shoes sa department store na pera ni mama ang ginamit.
Binato ko ang sapatos ko kay Amelia at Leen pero mabilis silang naka iwas dahil batid nila na babatuhin ko sila, kaya ibang tao ang natamaan ko. Nadisappoint ako dahil hindi tumama sa target ang sapatos ko.
Nakaramdam ako ng hiya dahil palagay ko ay lahat ng tao ay nakatingin sa akin kaya inikot ko ang mata ko sa buong paligid. Nakatingin nga sila sa akin pero di ko pinasin dahil sanay na akong tignan ng ganyan.
Hinanap ko ang sapatos ko na binato ko kanina, at ayun nasa sahig. Kinuha ko ito pero may paa at black leather shoes na tumapak sa brand new jong sapatos. Hala! Bago pa lang yun eh.
Ang bago kong sapatos ay nabalutan ng alikabok at naging flat shoes dahil sa pag-apak ng isang loko.
"Kuya akin po yan hehe." Sabi ko nang Hindi tumutingin sa kung sino man ang tumapak ng sapatos ko basta naka luhod lang ako at nakaabang kung i-aangat nya ba ang binti nya para makuha ko ang sapatapos ko.
"I don't fvcking care!" Madiin nyang mura na lakas maka sosyal ang dating, akala ko sa mga foreign series at popular books ko lang mapapanood tsaka mababasa ang "I don't fvcking care!" Maririnig ko din pala sa buhay ko.
"Pasensya ho." Paghingi ko ng tawad sa kanya dahil natamaan ko sya nang hindi sinasadya. Ngunit ilang segundo na akong naghihintay na alisin nya sa pagkakatapak sa sapatos pero hindi nya ginawa. Tumingin ako sa wrist watch ko upang tignan kung first class kona, may 10 minutes pa ako para gumanti sa lalaking 'to.
Linisin nya at lagyan nya ng pang pakinis ang sapatos ko kung gusto nya pang sinagan ng araw! First day ko palang dito sa University pero puro bad vibes na agad ang nakikita ko, paano na kaya kung magtagal pa ako dito? Sa dati kong school walang pumapansin sa akin, wala akong friends, I'm alone dahil ako ay dakilang nerd at kahit kailan ang nerd ay never makakatanggap ng full attention from other people kaya nagpasya akong lumipat dito sa Leenian University na pinaka sikat na eskwelahan dahil nandito ang mga kaibigan ko, nandito ang mga taong tanggap ako kahit ganito ang mukha ko, totoong kaibigan at walang halong kaplastikan. Lakas nga lang mang-asar grr.
"Tsk! You have the courage to throw shoes here huh. Kilala mo ba ako? I guess you're transferee students at ngayon pa lang binabalaan na kita, get out of my sight!" He said with a bossy tone, aksidente lang naman na natamaan sya akala mo laki na ng kasalanan ko. Siguro anak sya ng hari, hari ng kayabangan.
Nakita ko sila Amelia at Leen na nag hahand gesture sa likod at hindi ko maintindihan ang nais nilang sabihin. Pati ang mga students sa bawat classroom ay nakasilip na sa amin, yung iba ay tahimik lang na nanonood sa amin, ang iba naman ay may hawak na cellphone habang nag vivideo, ang ilan naman ay bumubulong sa katabi nila.
"Bakit sino ka ba? Teritoryo mo ba 'to at bawal ka kalabanin dahil once na kumalaban sa'yo hindi na sya sisinagan pa ng araw? Kaya mo bang kontrolin yung isip ng tao at takutin ng nakakainis mong pananalita?!" Buong tapang kong sambit sa kanya. Sabi ko sa sarili ko last year ay susubukan kong maging mapagpigil sa emosyon ko at tatry kong mag-aral ng payapa sa bagong air ng eskwelahan subalit ngayon ay sinusubok na naman ang pasensya ko.
"Hoy ikaw! Ang tapang mo, hindi mo kilala ang kausap mo! It's better to shut your mouth up while I'm trying to be good to you." Aniya, bakit ba parang antaas ng tingin nya sa sarili nya?
"Hoyy ka rin! Kilala ko kung sino ang kausap ko ngayon, sya lang naman ang mayabang at mapagmataas na lalaki." Sabay ngiti ko ng mapait na waring nang aasar, nung nagpaulan siguro ng kayabangan naliligo pa 'to sa ulan.
Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin sa kung saan, siguro nahihiya na sya ng sobra sa mga studyante dahil malapit na sya maging talunan sa argumento namin kaya walk out sya at sinama pa'ko.
"Bitawan mo nga ako!"
"Shut up!"
"Pikon!"
"If you won't stop, hindi ko na alam gagawin ko sayo!" Banta na naman nya, parang buong pag-uusap namin ay puno nalang ng pagbabanta nya na wari mo ba'y nasa panganib na ang buhay ko sa mga kamay nya.
"Ano gagawin mo sakin?" Sinubok ko sya kung hanggang saan lang kaya nya. Hindi nya ako masisindak sa pagbabanta nya dahil simula ngayon hindi lang ako basta nerd lang, dapat lumaban kung kinakailangan hindi ko ata kaya :((
"Pwede ba wag mo akong hawakan, nakakainis!" Iritable kong sabi sa kanya dahil mababali na din ang wrist ko sa higpit ng pagkakakapit nya.
"Pwede bang manahimik ka?!" Sigaw nya habang hinihila pa din ako sa kung saan.
Itutuloy...
A/N: Hi Readers! I hope you will support this another story of mine and have an enjoyable time while reading this. Thank you!
Don't forget to VOTE,COMMENT, SHARE,AND FOLLOW!
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...