Chapter Thirty-One: Jealous

75 7 3
                                    








Ameera's Point Of View









"Are you Kerick's girlfriend?"








"Sinabi ko ba?" Pabalang na sagot ko.







Hindi na sya nagsalita pa at hinayaan ko nalang din na mag-usap sila kaya nagpasya ako na umalis nalang, ano nga bang pake ko kung mag-usap sila o may gawin man sila tss.







Sa sobrang inis ko ay pumunta nalang ako sa library kahit wala naman talaga akong gagawin, gusto ko lang ng tahimik na lugar. May fifthteen minutes pa bago mag resume ng class, naiinis pa rin ako kahit pumipili na ako ng librong pwedeng basahin. Padabog kong kinukuha ang mga libro.






Nasan na ba sila Amelia at Leen? Lagi nalang silang wala kapag wala akong kasama hays. May kinuha akong libro na sa tingin ko ay maganda, naghanap ako ng vancant table tsaka umupo para magbasa.







Nagbasa lang ako hanggang sa mag ring na ang bell hudyat na resume na ang klase kaya binalik ang libro na hindi ko pa tapos, nakakailang page palang ako pero okay na yun next time ko nalang ulit babasahin kapag available ako.





Pumunta muna ako sa locker area nakita ko na andito sila Lexus kasama ang friends nya, ngumiti lang sya sa akin kaya nabigla ako. Nung nakaraan galit sya samin tapos ngingiti sya ng ganito? Baliw na yata.






Kinuha ko ang books na kakailanganin sa subject namin ngayon, pagkatapos ay tinahak ko ang daan papuntang classroom namin. Alam kong nagpapalate lagi ang history teacher namin ng five minutes para daw ready na daw talaga ang lahat.






Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang prof namin, pagpasok nya palang ay dama mo na ang galit sa mukha nya, siguro badtrip na naman 'to kaya ganito ang awrahan.





Pabalibag nyang nilapag ang libro na dala-dala nya sa teacher's table kaya ang iba ay nagulat sa ginawa nyang yon at yung iba naman ay nagawang tumahimik.






"Anong balak nyo? Out of thirty students ay ten responsible students lang ang nagpasa ng project on-time! How about the twenty students, what's your plan? May balak pa ba kayong magpasa o ibagsak ko na kayo agad?! Putcha, ang haba ng oras na binigay ko sa inyo tapos hindi nyo pa magawa ang project?!" Pagsesermon nito habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa table.






"Naiinis ako ngayong araw! Sa lahat ng hindi nagpasa ng project bibigyan ko kayo ng isang araw para gawin ang project at kung wala pa ding magpapasa, I'm sorry hindi ko kayo ipapasa this semester." Sabi nya at binuklat ang libro na dala nya.






"Open your book on page 203." Utos nya at rinig ko talaga ang pagbuklat ng libro ng lahat. Nagdiscuss lang sya ng lesson namin for today, at nagpa-quiz after.





Sa next class naman ay may ginawa kaming activity sa gymnasium, physical education kase namin ngayon kaya sports ang aming ginawa. Pagkapunta namin sa gymnasium ay kita namin ang mga cheerleader na ang eensayo para sa dance festival, ang Leenian University yata ang mag oopening ng program.





Hindi na ako nagulat nung si Ayah at Lexus ay kasama sa cheerdance. Kaya pala nasa locker area sila kanina ay nagpalit pa ng pangcheerdance outfit.





Nasa bandang stage sila at kami naman ay pumwesto sa bandang likod ng gymnasium, nagsimula ang session namin habang nag papractice ang cheerdance at medyo maingay ay tuloy pa rin kami sa activity.





Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon