Chapter Two: His Friends
Ameera's POV
"Hello." Bati ko sa mga kaibigan ni Kerick, hmmm aaminin ko ang gwapo nilang lahat pero mas gwapo si hayss basta wala panget pala nila!
"Hi Ameera you're so beautiful today." Biglang sabi ni Lonzo sa akin, dapat ba akong kiligin? Well nagbibiro lang yan for sure! Sa panget kong 'to? Tapos sasabihin na maganda? Samahan ko kaya si Lonzo sa EO baka malabo lang mata nya.
"H-ha? Ako? Parang di yata hehe." Sabi ko naman sa kanya, ang cute ni Lonzo pero mas cute ako, okay coping mechanism lang para hindi masyado masakit matawag kapag panget, sarili ko nalang din pupuri sa sarili ko.
"Totoo yun Ameera, onting ayos lang sayo for sure mas lalo kang gaganda." sabat naman ni Franz, mambobola talaga sila hayss! Kahit anong sabihin nila di ako maniniwala huh! Kainis.
Anyways andito kame sa cafeteria, kumakain sa isang table, buti hindi natuloy kase ayoko sumama sa isnag kwarto na puro lalaki. At ngayon na nasa cafeteria kami, andami ngang nakasubaybay sa amin eh, mga matang ikot nang ikot sa akin kase kasama ko ang mga gusto nila.
"Shut up! Ameera is mine!" Sigaw ni Kerick kaya nagulat ako, magkatabi kase kame habang sa kabilang side naman silang dalawa ni Lonzo at Franz kaya parang nabingi ako, mamaya magcoconton buds ako baka marami ng tutule.
"Oopps, andyan pala ang seloso mong boyfriend!" Pilyong sabi ni Lonzo, correction lang fake boyfriend at labag pa sa loob ko dahil sapilitan ang nangyarj at wala na akong nagawa.
"Tara na Lonzo baka nakaka istorbo lang tayo sa mag jowa na yan! Una na kami, enjoy your date." Sabay tapik sa balikat ni Kerick at umalis na ang dalawa kaya kami lang naiwan dito, nakakainis bakit sila umalis? Punyeta!
"Kerick..."
"Ameera..."
Ako naunang tumawag sa kanya, buti hindi pa kami nagkasabay.
"Lumapit ka pa sa akin!" Aniya kaya sinunod ko nalang, dikit na dikit tuloy kame pero clear ko lang na di ako maiinilove dito kase ampangit na nga nya panget pa ugali buti pa mga kaibigan nya mabait tsaka palatawa.
"Bakit ba?"
"Para maniwala sila na taken na ako at hindi nila ako maagaw sayo." Sabi nya, tumahimik nalang ako at walang reaksyon ang namumutawi sa aking mata kahabagan ka nawa!
"Pshh! Kahit ibigay pa kita sa kanila!" Grrr nakakagigil, kala mo talaga tunay kaming magjowa kahit di naman. Sya lang naman may gusto nito at napasubo lang ako.
"Assuming ka naman? Kala mo nagkalagusto ako sa isang tulad mo? Ikaw pa 'tong choosy, hoy nerd! Sa Gwapo kong 'to lahat ng babae nahuhumaling saken maliban nalang kung hindi ka babae." Sabi nya.
"Hindi lahat ng babae ay mahuhumaling sayo!"
"Well di sa pagmamayabang pero ang gwapo ko talaga! You are just denying the fact." Mayabang nyang sabi, hari talaga ng yabang! Yung nagpaulan ng kayabangan aba! Kay Kerick lahat na punta, lumagoy pa sa baha.
"Balakajan!" Sabay tayo ko at labas sa cafeteria, asaan na ba sila Leen at Amelia? Siguro di pa tapos ang klase nila.
"Hey bitch!" sigaw ng isang malditang babae na di ko kilala na mukhang kerengkeng!
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomantikGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...