Chapter Ten: Palawan(2)

181 7 0
                                    

road to 1k plus na pala tas napagiiwanan yung votes hehehe skl.



Ameera's POV

"Ameera hoy!" Tawag nya sa akin kase nakatulala ako sa kawalan.

"Oh?" Lutang feels.

"Bakit di mo pala kasama si Leen?" Pagiiba nya ng usapan, nakabihis na si Kerick base sa outfit nya ngayon ay naka shorts at v-neck shirt sya. Ako naman ay naka swimsuit charot syempre simple outfit lang suot ko.

"Naiinis ako sa kanya kaya ayaw ko muna sya pansinin tara kain tayo sa baba." Aya ko sa kanya tsaka sumakay kami sa elevator at good thing ay walang tao, tanging kami lang.


"So anong balak mo?" Tanong nya.


"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko dahil di ko gets ang tanong nya.

"Anong balak mo?"


"Balak saan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya habang patuloy na bumababa ang elevator.


"Idadate mo ba ako or dadalhin somewhere?" What the f? Ang kapal ng mukha nya ako pa mag dadate sa kanya!


"Aba ang kapal mo! Mag date ka magisa at hindi ko nga kabisado ang resort na 'to may pa somewhere somewhere ka pa dyan dzuh!" Sambit ko at tamang tama ay tumunog na ang elevator hudyat na andito na kami sa ground floor kung saan andito ang mga resto at bar ng hotel resort.


"HAHAHAHAHA ang sarap mong inisin dahil pikonin ka at tara na, kumain na tayo ano ba gusto mo?" Sabi at tanong nya sa akin habang tumitingin ng menu kung ano bang gusto kong kainin.


"Gusto ko? Hmmm ikaw?!" Pagkasabi ko ay syang paglaki ng mata nya at napatingin sa akin, kinikilig amputa HAHAHAHAHAHA bakla talaga.

"I mean ikaw anong gusto mo? H'wag kang kiligin dyan kase di bagay, fried rice with egg and hotdog nalang sakin at isang burger then creamy latte." Sabi ko sa counter at binigay ang bayad ko.

"Keep it, Ako na magbabayad." Pagbabayani nya, naks Crisostomo Ibarra ang peg? Maginoo tapos hindi bastos si Ibarra at nagiisa lang ang Maria Clara sa puso nya grrr.

"Okay edi ikaw na magbayad, di ako umaatras sa kahit anong libre hehe anyway may nakita akong gig mamaya don sa resto bar, parang gusto kong pumunta." Kwento ko sa kanya nang makarating kami sa table na nahanap naming vacant.

"H'wag ka ng pumunta!" Biglang tumaas ang tinig ng boses nya na ikinagulat ko naman. Parang baliw talaga 'tong Kerick na to.


"Bakit? Masaya kaya yon tsaka bukas pa naman ang tour natin dito kaya sulitin na natin at gusto ko ring makinig ng gig mamaya. Ben&Ben daw yung banda mamaya." Ani ko, pinagmasdan ko ang mga taong masayang kumakain kaso nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng nasa dulo dahil ang gulo ng buhok nya at mukhang kakagising lang.



"Madaming mga manyak sa bar kaya kung ako sayo h'wag ka ng pumunta, mas safe kung sa room ka nalang ninyo kasama si Leen." Pahayag nya. Napatingin na naman ako sa babae, tulala sya at parang puyat pa. Nakasandal sya sa glass wall na nasa tabi lang ng upuan nya.



"Wala akong pake sa opinyon mo basta pupunta ako." Umirap ako sa kanya. Maya-maya ay dumating na ang order namin kaya humanda na ako para sa isang laban char.


"Ano bang tinitignan mo dyan?" Tanong nya sa akin sabay tingin sa direksyon ng mata ko, kakaiba kase yung babae para syang artista na zombie ang role nya, sinimulan ko ang pagkain. Masarap yung food kaya tuwang tuwa si dragon sa loob ng tyan ko.


Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon