Chapter Twenty-Nine: Worried

75 4 0
                                    









Ameera's Point Of View









"Hindi ako makatulog pag may katabi sa kama ko." Pagsisinungaling ko, ang totoo ay nakakatulog naman ako kapag may katabi. Sadyang ayaw ko lang na matulog sya dito, buti nalang at tulog na sila Mama dahil malalagot talaga ako nito.







"I'm sleepy already, it's good to be here in your bed while hugging you." Kunwareng inaantok na sabi nya, sinapok ko ang noo nya, nakayakap pa rin sya sa bewang ko habang ang ulo nya ay nasa balikat ko, parang ginawa nya ng unan ang balikat ko! Bakla.







"Hindi ko gusto 'to." Ani ko.








"Because you want me??" Banat nya na hindi naman katanggap-tanggap, hindi ko alam sa sarili ko at bakit kapag so Kerick ay wala akong laban katulad nito ngayon, hinahayaan ko lang na gawin ni Kerick ang gusto nya na para bang gusto ko din, hinahayaan ko syang ganito ang posisyon namin na hindi ko alam bakit ko hinahayaan sya na gawin ang mga bagay na 'to.






"Bukas, lumipat ka sa baba bago ka pa tapusan ng hininga ni Papa." Pagbabanta ko sa kanya at tumagilid ako, inalis ko na rin ang kamay nya na nakayakap sa bewang ko.







"I want to hug you." Sabi nya.







"Tumigil ka, bakla." Asar ko.






"Stop teasing me like that, or you want me to kiss you kaya mo ako inaasar ng ganyan?" Pikon na aniya, sa wakas ay hindi na sya yumakap sa bewang ko, nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko makita ang reaksyon nya.






"Ilang beses na nating ginawa yon, bakit ko pa gugustuhin?" Sabi ko na nakatalikod pa rin sa kanya, diretso kong sinabi yon dahil totoo naman lagi nya akong hinahalikan at hindi ako makapalag.







"So you- want?"







"Matulog kana." Sabi ko at tinalukbong ang kumot ko.







Ang lamig pa naman ng panahon, masarap matulog kaso may panira ng gabi ko. Medyo humihina na rin ang ulan base sa tunog sa labas, ambon nalang siguro.







Nagulat ako nung pumasok din sya sa kumot kaya pareho na kaming nasa loob ng nakatalukbong na kumot. Naramdaman ko na namang pinupulupot nya ang kamay nya sa bewang ko at mas lalo pang lumapit ang katawan nya sa akin.






"Hoy ano ba?!" Reklamo ko.







"Please? Ang lamig talaga at feeling ko magkakasakit ako, let me please?" Parang bata na nagmamakaawa na mabilhan ng ice cream, fvck this feeling! taena mo Kerick!







Parang naubusan na naman ako ng sasabihin kaya hindi na ako nakapalag pa, pinilit ko nalang makatulog ng ganon ang posisyon naming dalawa. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko bakit ko hinahayaan sya, gusto ko na rin ng ginagawa nya.








Pinikit ko ang mga mata ko habang nakayakap sya ng mahigpit sa akin, hindi na namalayan na nakaharap na pala ako sa kanya at nakayakap na rin sa bewang nya so ang posisyon namin ngayon ay magkaharap habang naka yakap sa isa't isa.







Malamig ang panahon, namalayan ko nalang sarili ko na masarap ang tulog, nakayakap si Kerick sa akin at nakayap ako sa kanya.







Kinabukasan ay maaga akong nagising, inexpect ko na talaga na wala si Kerick kaya ayun wala nga. Bumangon akong nakangiti sa hindi alam na dahilan, parang ang ganda ng gising ko at feeling ko I'm prodictui today hehe.





Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon