Ameera's Point Of View
Gosh!
It's already 3AM in the midnight at gising na gising pa rin ang diwa ko, palipat-lipat na ako ng posisyon pero hindi parin ume-epekto sa akin. Pumipikit lang ako kahit anong mangyari kase umaasa ako na baka makatulog ako.
Kinumutan ko na ang buong katawan ko para madilim talaga nang sa gayon ay makatulog ako, pinalibutan ko rin ng unan ang buong angle ng kama ko para yakapin pero wala talaga.
Ano bang kailangan kong gawin para makatulog? Anong posisyon ba ang kailangan kong i-apply? Iinom na ba ako ng sleeping pills? Chos.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag browse ng pwedeng ikalikot, inisip ko nalang na baka pag sumakit ang mata ko dahil brightness ng phone ko ay makatulog nako kaya ang laro muna ako sa cellphone ko.
Nung magsawa ako maglaro ay kinalikot ko naman ang gallery ko. Puro mukha ko lang naman ang andito atsaka epic face nila Amelia at mga view ng clouds na pinicturan ko.
Tinabi ko ang phone ko nang wala na akong mahalungkat sa gallery ko, wala din akong masyadong games kase nakakatamad. Tinry kong mag online sa facebook at ig pero saglit lang.
Nagtatalon ako sa kama nang hindi talaga ako makatulog, nagtatalon ako habang nakahiga at parang gusto kong maiyak sa inis dahil hindi ako makatulog punyeta! Sino bang nag-iisip sa akin at hindi ako makatulog-tulog?
Inom kaya ako ng gatas? Tsk! Uminom na ako kanina pero wala paring epekto nakakainis talaga! Tinawag ko na yata lahat ng santo para makatulog pero wala pa rin, kailangan yatang tawagin ko na si satanas charot.
Inisip ko nalang na makakatulog ako! makakatulog ako! makakatulog ako!
and there you go.
"Anak! Tanghali na!" Bulyaw ni Mama at binuksan ang bintana kaya nasilaw ako dahil nakatutok sa mukha ko ang sikat ng araw. Huhu inaantok pa ako as always pero ibang antok ang nararamdaman ko ngayon.
"Ma, alas-siete palang mamaya pang alas-dose ang tanghali." Inaantok na sabi ko sa kanya, feeling ng mga nanay ngayon tanghali na ang alas-siete hays.
"Aba, ano papasok ka ba o hindi? Malalagot ka na naman sa Papa mo." may pagbabanta na sabi ni Mama kaya tumayo na ako at pinaalis si Mama para makapag ayos na ako.
Binagalan ko lang ang galaw ko dahil tinatamad talaga ako, late na kung late bahala na! Minsan lang naman ako malate kaya okay lang malate ako ngayong araw.
Narinig kong sumigaw si Mama na aalis na sila ni Papa, kumain nalang daw sa nakahain sa lamesa at binaunan ako ni Mama ngayon; oh diba kabisado ko ang sinabi ni Mama.
Nag-aayos ako ng uniform ko sa harap ng salamin, nagsuklay din ako ng buhok ko tsaka nilagay ang salamin ko sa mata ko. Trip ko lang magsalamin ngayon dahil tinatamad akong mag contact lense, after kong mag-ayos bumaba na ako at nilagay sa bag ang baon ko. Namiss ko tulog nung elementary ako na may lunch box pako at may gulong pa ang bag ko.
Hindi na ako kumain, nagpapak nalang ako ng bacon at uminom ng onting kape at umalis na.
Sasakay sana ako ng tricycle pero di ko na nagawa kase wala namang tricycle na dumadaan kaya nagpasya ako na maglakad nalang kahit malalate na ako, hindi naman sobrang late pero siguro pag dating ko sa school ring na ang bell.
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomansaGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...