Chapter Seventeen: Clash

124 7 2
                                    


Sinipag si tamad :)





Ameera's Point Of View





"Thank you sa paghatid." Pasalamat ko tapos binuksan ko yung pinto ng kotse ni Kerick at akmang bababa na nang tawagin nya ko.





"Are you okay?"




"Oo naman." Sagot ko.





Naiilang parin ako dahil sa nangyari kagabi, it was just a mistake! Gusto ko ng alisin sa utak ko yung scene na yun pero utak ko yung umalis haha! Bumaba nako after nun at umalis naman si Kerick, pinanood ko muna ang kotse nya na papalayo na bago ako pumasok sa loob ng bahay.





It's Sunday today! Pagka pasok ng bahay syempre pinagalitan ako ni Mama dahil bakit daw hindi ako nakauwi kagabi pero si Papa naman okay lang sa kanya kase dalaga naman na daw ako kaya dapat marunong nako magdesisyon para sa sarili ko. Labyu pa!




Tinawagan ko si Amelia para kamustahin sila Leen.





"Oh?" Sabi ni Amelia pagkasagot nya sa tawag ko, mukang kakagising nya palang base sa boses nya.



"Nasan ka? Nakauwi ba kayo ng maayos ni Leen kagabi?" Pangangamusta ko sa kanya. Matagal pa bago sumagot si Amelia, at ayun naghilamos pa pala ang bruha.



"Nasa apartment ako, hinatid ako ng driver ni Kerick pero si Leen may ibang nag hatid sa kanya. Hindi sya sumabay sakin at ngayon, maaga na naman yatang umalis kase wala sya dito." Kwento ni Amelia na nagpa-isip sakin, sinong naghatid kanya at saan naman kaya sya pumunta ngayon?



"Anong nangyayari kay Leen? Tawagan ko wait." Pinatay ko ang call at tinawagan si Leen at cannot be reach ang phone nya, hays saan kaya gumala ang bruha? Usually nagpapa-alam samin si Leen kapag may pupunta sya or isasama nya kami.




Pinabayaan ko nalang baka mamaya may binili lang kung saan. Nag emote pa naman yun kagabi dahil sa kanila Lexus at Wander,




Bumaba nalang ako para kumain, umalis rin sila Mama at Papa para magtrabaho kaya ako lang mag isa. Okay lang dahil sanay nakong mag isa at may gagawin din akong project sa isang subject ko.




After kong kumain, hinugasan ko ang pinagkainan ko tapos umakyat ako sa kwarto para gawin ang dapat kong gawin, ganito lang umiikot ang araw ko kapag linggo.



Kinabukasan syempre lunes. Tss



Kami lang ni Amelia ang magkasabay ngayon sa paglalakad papuntang school tuwing umaga dahil wala si Leen, maaga daw umalis kaninang umaga at kagabi late na rin daw umuwi si Leen.



"Eleven o'clock inaantay ko si Leen pero hindi pa rin dumadating kaya nakatulog nako kaya for sure late na sya nakauwi kaya hindi ko sya nakausap kahit saglit." Ani Amelia, habang naglalakad kami.




"Kausapin natin mamaya." Sabi ko nalang, andito na kami sa gate ng Leenian University at paghakbang ko palang nagtitinginan ang mga tao sakin habang hawak ang mga cellphone nila.




"Anong meron ghorl? Artista na ba tayo? Nakatingin sila lahat sa kagandahan ko." Mahangin ang bibig ni Amelia, hindi ko rin alam kung anong nangyayari bakit sila nakatingin sa gawi namin.



Hinayaan nalang namin, pumasok na kami kahit nakakamatay ang mga tingin nila samin, dumiretso kami sa cafeteria para bumili ng espresso. Hindi ako nakapagkape kanina dahil late nako nagising kaninang umaga.



Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon