Ameera's POV
Pumunta ako sa Cafeteria pagkaalis ko sa dance club room dahil nakaramdam na naman ako ng gutom, naiinis parin ako kay Kerick na perfect! Edi sya na ang magaling, sya na ang matalino, sya na ang mabilis matuto at sya na ang pinaka gwa- hindi bobo!
"Ate magkano yon?" Sabay turo sa menu na gusto kong kainin, *cravings* gusto ko ng banana cake and pizza kaya yon nalang ang bibilhin ko.
"Dalawa n'yon at tatlong slice ng pizza at isang ice tea hehe thank you ate." Magalang kong sabi tsaka kinuha ang sukli, asan na kaya yung mga gunggong na walang hiya at mga wasak na char hahaha.
After a minutes or meanwhile, kinuha ko na ang inorder ko then naghanap ng vacant table at ayun nakahanap ako ng table na last sa may bandang dulo at tago sya kase nga nasa dulo hays.
Umupo ako ng tuwid at syempre nagdasal ako ng tahimik. Pagkatapos ay kumain na ako, una kong kinain ay yung pizza inorder ko yung pepperoni na tatlong slice. Oww ang sarap ng pizza at sa palagay ko gusto ko pa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang mapansin kong parang may nakatingin sa'kin kaya tumingin ako sa kanan ko ngunit busy naman sa pakikipagusap yung iba so wala akong nagawa kung di ipagpatuloy ang pagkain ko.
Maya-maya pa ay may bumato sa akin na isang lollipop na chupa chups, gumulong yon sa table ko. Tumingin ako sa gawi kung saang banda nanggaling ang lollipop na'to.
"Kanino 'to?" Tanong ko sa sarili ko.
A minute pass ay meron na namang isang lollipop na bumato sa table ko, ayaw yata ako pakainin ng mga walang hiyang bumabato non. Pati pagkain ko iniistorbo bwiset mga walang magawa sa buhay.
Natapos ko ng kainin ang tatlong slice ng pizza at sinumulang kainin ang banana cake, favorite ko rin ang banana cake pero kailangan maghinay hinay kumain para di tumaba.
Pagtapos kong kainin ang banana cake at akmang iinom ng ice tea ay may lollipop na naman na napunta sa table ko, napatingin ako don pero wala talaga akong makita na posibleng gumawa non.
May gash ang creepy! Baka may multo dito? Or baka sementeryo pala 'to dati? At may kaluluwang di pa nananahimik, nako dapat pala ipa-bendisyon na naman ang buong campus at dapat ang pangalan ay Haunted University?
Inubos ko na ang ice tea ko tsaka nagpahinga muna saglit, binulsa ko yung lollipop kase gusto ko ng lollipop kase di na ako nakakakain nito gaya nang dati noong bata ako.
Pero paano kung pagkinain ko yung galing sa multo at maging multo na rin ako? Huhu ayaw ko mangyari yon mahal ko pa ang buhay ko.
Tumayo na ako para pumunta sa locker ko kase magpapatahi ako ng p.e uniform kase may activities yata kami ngayong araw, magpapalarong pinoy yata sa amin si prof.
Binuksan ko ang locker ko tsaka kinuha ang kukunin ko, sinara ko ulit then pumunta sa comfort room para magpalit ng p.e uniform, pumasok ako sa isang cubicle.
Sa kalagitnaan ng pagpapalit ko may narinig ako na pumasok na isang grupo yata kase maingay eh at may pamilyar na boses akong narinig at si Ayah yata yon? Si Ayah Zarraga? At yung back-up power puff girls nya?
"Girl grabe ang pogi ni Kerick sumayaw kung nakita mo lang Ayah at yung Nerd na si Ameera bayon? Sya yung kapartner ni Kerick kanina at balak pa yatang pasalihin ni Miss Triona si Ameera sa dance club." Kwento ng isang babae at dahil narinig ko ang pangalan ko kaya papakinggan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...