ur wish is my command char.
Ameera's Point Of View
"Five, six, seven, eight!" Malakas na sigaw ni Coach Rein tapos sabay sabay kaming sumayaw habang may music, tapos na namin ang lahat ng steps sa bawat stanzas ng kanta kaya finalize nalang ang ginagawa namin.
Sumabay lang ako sa kanta, kasabay ng kanta ang buhos ng ulan sa labas. Umuulan ngayon at sabi sa balita may bagyo daw kaya hindi gaanong mainit, nililinis nalang namin ang sasayawin namin sa Division Dance Festival.
"Okay, Very Good!" Sabay palakpak ni Coach Rein kase nakasunod ang lahat, para bang naghanda talaga ang bawat isa para dito. First week na ng October ngayon ay sa October 18 na ang contest.
"You did great all of you!"
Nagpaalam na si Coach Rein at nag-ayos na rin kami ng gamit namin, nagbihis pa ako ng damit kase may pawis. After kong magpalit, sinukbit ko na ang bag ko tsaka lumabas.
Pagkalabas ko, kitang-kita ko ang malakas na buhos ng ulan sa field, kaninang umaga pa umuulan kaya nagdala na ako ng payong hehe girl scout na ako hihi.
"Wait for me!" Narinig kong sigaw ni Kerick sa loob habang nag-aayos ng gamit nya, hindi ko sya pinansin at naglakad na ako paalis sa DC hall, wala siguro syang payong haha bahala sya dyan, magpaulan sya!
"Sabi ko hintayin moko eh." Aniya nung mahabol ako, naglakad lang ako sa hallway at andaming estudyante na nakatambay sa corridor kase walang mga dalang payong or hinihintay nalang nila ang sundo nila.
"Ambagal mo eh." Sabi ko.
"Hahatid na kita." Sabi naman nya at sumilong sa payong ko nung maglalakad na kami sa field, sobrang lakas talaga ng ulan at parang masisira ang payong ko sa lakas ng buhos ng ulan.
Araw-araw na yata akong hinahatid ni Kerick pauwi sa bahay, minsan nalang din kami magkasabay nila Leen at Amelia dahil si Leen laging kasabay si Wander at si Amelia busy sa thesis nila.
"Nababasa na ako." Reklamo nya tapos umakbay sya sakin para idikit nya ang sarili nya sa akin, magkadikit na tuloy kami habang naglalakad kaya hindi ko maayos ang pagtapak ko.
"Bakit kase hindi ka nagdadala ng payong hays." Inis kong sabi.
Nakarating na kami sa parking lot, sumakay na kami sa kotse nya. Medyo nasasanay na ako sa paghatid-hatid nya sa akin, atsaka hindi na rin ako mapapagod maglakad and makakatipid pa ako sa pamasahe if ever na sumakay ako ngayon.
Pinaandar nya na ang kotse at umalis na kami, mabagal lang ang takbo ng sasakyan kase madulas ang daan. Tumingin ako kay Kerick at kita ko ang uniform nya na medyo nabasa, maliit lang ang payong ko kaya siguro sya nabasa.
"Why?" Tanong nya nang mapansin nya akong nakatingin sa kanya.
"Masama bang tignan ka?" Balik na tanong ko sa kanya, edi wag! sa bintana nalang ako tumingin na malakas pa rin ang buhos ng ulan, bakas sa salamin ang mga patak ng butil ng ulan.
"Okay then, stare at me like that." Sabi nya habang naka ngiti pa, na-awkward agad ako kaya nanatili lang akong nakatingin sa labas. Hindi ko na sya pinansin para hindi na humaba ang usapan, ganito nalang lagi.
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...