Chapter Fifthteen: Revenge

154 6 0
                                    



piptin:)





Ameera's Point Of View





"Grabe parang hindi ikaw si Ameera na panget na nakilala ko." Straight forward na sabi ni Leen, napaka sama ng ugali kung makasabi ng panget!





"Nagsalita yung maganda ha HAHAHAHAHA!" Natatawang sabi ni Amelia, tumawa nalang rin ako. Andaming pinamili nila Leen at Amelia kase madami ring paper bag. Yung sa akin naman ay nasa limang paper bag lang na binili ni Kerick. Sa totoo lang nakakahiya sa kanya.





"Salamat talaga Kerick!" Pasalamat nila sa kanya, time check 2:45PM na at mamayang 5PM ang birthday celebration ni Franz.





"May bibilin lang kami somewhere," pagpapaalam nila at umalis na. Naiwan kami ni Kerick na naglalakad sa mall na 'to. Honestly, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya sa sobrang kahihiyan hays.





"Ahmm..."






"T-thank you." yan lamang ang tanging nasabi ko sa kanya.





"Welcome babe." Wtf? Hanggang dito ba naman dinadala nya ang kalandian nya, nakakainis talaga yung paganyan ganyan nya!




"Tigilan mo na nga yan, wala naman tayo sa school para magpanggap ka." Inis na sabi ko sa kanya habang naglalakad. Naalala ko na mamaya na ang birthday ni Franz at wala pa pala akong regalo para sa kanya.



"Hmm anong pwedeng iregalo kay Franz? Mayaman na sila so baka meron na sya ng lahat ng bagay." Tanong ko kay Kerick. Nagiisip ako kagabi pa eh pero wala talaga.





"Are you sure?"




"Anong are you sure, are you sure ka dyan eh syempre matic na yon noh!" Gusto talaga nyang makipag sagutan sakin.





"Think something his favorite." Sabi nya, Ahmm ano bang favorite nya? Malay ko ba sa kanila siguro mas mabuti kung h'wag nalang akong magbigay bg regalo para makatipid rin ako? Kuripot.jpeg




"Kayo yung magkaibigan tapos paiisipin mo pako kung anong favorite nya, baliw ka ba!" Dapat he knows Franz better kase magkaibigan sila at lagi silang magkasama.





Naglakad lakad nalang kami, bahala na kung anong makita kong pwedeng i-regalo, ang mamahal pa naman at nagtitipid pako noh para sa magiging anak ko charot anak agad? Hindi pwedeng asawa muna? luka.





May nakita akong store ng mga clothes and tela na pwedeng mag pa print ng mga t-shirts design. Siguro ito nalang kase ito lang kaya ng budget mga sis.





"Ano sa tingin mo? Eto nalang?" Pinakita ko kay Kerick ang isang t-shirt na may maliit na design na Pokemon sa bandang dibdib at balak kong palagyan ng Franz sa may likod.





Hindi nagsalita si Kerick sa halip nagtingin tingin din sya ng mga damit na naka display, pumunta ako sa counter at sinabi ang gusto kong design.




Si Kerick naman ay pumili ng dalawang t-shirt na plain red, baka i-regalo nya rin kay Franz. Ano bayan gaya-gaya ng gift hays sana pala di ko na sya sinama.





"Gift mo kay Franz?" Tanong ko at umiling naman sya.





"Eh kanino pala?" Tanong ko ulit.






"Couple shirt."






"Sa Girlfriend mo?" Again.





Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon