Chapter Eighteen: Checking

131 5 0
                                    






Ameera's Point Of View





Nasa labas kami ng guidance office at hinihintay na matapos magsalita ang counselor, hanggang sa labas ay rinig na rinig ang boses nya. Kasama ko si Amelia at sila Kerick, Franz, at Alonzo habang nasa kabila naman yung mga kaibigan ni Lexus. Nasa loob sila Leen at Lexus, andaldal ng magandang counselor hehe galit na galit e.





"Ano bang problema ni Leen? Bakit sya nagkaka ganyan? Sana lang hindi malala ang parusa sa kanya." Sabi ni Amelia na wari mong naiistress.




"Maharot kase yung kaibigan nyo!" Nagparinig naman yung isa sa mga kaibigan ni Lexus, napatingin kami sa kanila at sinamaan ng tingin.





"May wall dito oh! Hanggang dito lang yung line te oh! Hindi ka kasali sa usapan kaya wag kang makisabat!" Nilabas na ni Leen ang tunay nyang kulay char, mabait talaga yan si Amelia kaya lang nagmamatapang. Inirapan naman sya ng friends ni Lexus, mapupula ang mga pisngi nila na mukang nasobrahan sa kakalagay ng make-up.





"So Amazona Girl." Natatawamg sambit ni Franz,



"Talaga! Sabihin mo lang kung sinong umaaway sayo dahil ako ang bahala! I got you Franz! Handa kitang ipaglaban kahit ang pagiibigan natin ay pinagbabawal, Romeo save me! And Juliet will save you!" Bumanat pa si Amelia na kinilig sa sariling kakornihan.



Natawa nalang kami sa inasta nya, sobrang tagal naman nila mapagalitan ng matandang counselor char, lalake ang guidance counselor namin at sobrang strict, laging mainit ang ulo nya kahit hindi naman sya inaano siguro dahil sa panot nya bully!


"By the way, how's your practice kanina Ameera and Kerick?" Tanong ni Alonzo, bumalik na naman ang pag kainis ko dahil kay Kerick!



"Okay naman, sumayaw kami." Pilyo kong sabi sa kanya at tumawa naman sya, hays naiinip nako kaka-antay pakshet! At the back of my mind gustong kong isigaw na; 'Hoy tanda hindi ka pa ba tapos? Mag reresume na ang klase! Ikaw nalang magturo samin!' hihix pero sino bang nagsabi samin na mag antay kami dito? Wala naman diba?



"Are you hungry?" Lumapit sakin si Kerick at binulong sng tanong nya na parang tanga! Bulong bulong pa eh pwede namang sabihin sakin.





"Hindi." Maikli kong sagot.





"Nagugutom ako eh." Reklamo nya pero binulong na naman nya sa akin, ano naman kung gutom sya? As if I care naman tsk! Edi kumain sya mag isa pumunta sya sa Cafeteria basic!





"Edi kumain ka!" Inis kong sabi.





"LQ na naman ba yan? Baka kayo naman yung mag sabunutan dyan ah!" Biro ni Amelia nung narinig ang sinabi ko kay Kerick.






Maya-maya lumabas na sila Leen at Lexus sa guidance office, saktong dumating naman si Wander. Agad lumapit si Leen kay Wander at hindi man Lang kami pinansin, sila Lexus ay umalis na kasama ng friends nya.





"Okay ka lang ba Leen?" Tanong ni Wander, tumango naman si Leen sa kanya atsaka akmang aalis na dahil daw may klase pa sila. Pero tinatawag sya ni Amelia kaya ngayon lang nya kami nilingon at binigyan ng tingin.




"Ano Leen, hindi mo man lang kami papansinin? Ano bang problema mo?!  Kaibigan mo pa ba kami o dahil andyan na si Wander kaya parang wala na kami sayo?!" Pasigaw na sabi ni Amelia, after ng birthday party ni Franz ay hindi na kami nakapag usap ni Leen.




Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon