tagal ba? sori na.
Ameera's Point Of View
"Y-you're blocking my way." Sabi ko sa kanya dahil hindi talaga sya umuurong para makadaan ako, fvck anong gagawin ko? Pwede bang magteleport ako palabas?
"Mr. Valdez can we start to our lesson for today?" Biglang sabi ni Areeya, pero parang walang narinig si Kerick dahil nakatayo at nakatingin lang sya sa akin.
"K-kerick-" hindi natuloy ang balak kong sabihin dahil hinila nya ako palabas, at dahil nakatulala ako ay nahila nya ako ng ganon kadali. Anong problema nya at balak na naman akong idamay.
Nung nasa labas na kami ay binitawan nya na rin ang kamay ko na hila-hila nya kanina, nakatalikod lang sya sakin at parang natauhan kung anong gagawin nya. Nakatayo Lang ako sa likod nya at inaantay kung may sasabihin sya sakin.
Siguro mga ilang minuto bago sya lumingon sa akin at dali-dali akong niyakap na sa una ay maluwag ang pagkakayap pero biglang humigpit ang yakap nya. Nasa labas kami ng coffee shop malapit sa nakaparada nyang kotse, wala akong nagawa kundi hayaan syang gawin yon.
Napayakap narin ako sa likod nya dahil feeling ko ay may problema sya at kailangan nya ng masasandalan,
"Give me a minute for this." Sabi nya.
"A-ah anong meron?" Tanong ko, iyon lamang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung anong dapat sabihin ngayon parang bumaliktad ang dila ko sa pagsasalita.
Matagal ko syang di nakita tapos pagkakita namin ngayon ay ganito pa ang prologue nya, medyo matagal din syang nakayakap sakin at sa wakas ay bumitaw na sya. Hindi rin ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nya.
"I miss you."
Katahimikan ang namayapa.
Weird feeling.
"H--ha?" Bulol pa nga.
"Did you miss me?" He asked, bakit parang andali lang sa kanya na sabihin ang mga katagang ganito. Nakakapanibago dahil kinakabahan ako na kausap sya, nape-pressure ako sa harap nya.
"A-ah ano bang pinagsasabi mo dyan, pumasok ka na don hinahanap kana sa loob." Iniba ko nalang ang usapan para hindi awkward sa pakiramdam.
"S-sige uwi na ko." Sabi ko at dire-diretso na umalis, iniwan ko sya kung saan sya nakatayo.
Hindi ko alam kung masyado akong bastos para umalis bigla pero hindi ko na kaya na makausap sya ngayon, ang tagal nyang hindi pumasok tapos ganon pa ang bungad nya sakin.
Binilisan ko ng onti ang paglalakad ko, gusto ko ng umuwi. Matapos ang ilang minuto binagalan ko na rin ang paglalakad ko dahil nakakapagod din pala kapag binibilisan. Nakatingin lang ako sa dinadaanan ko kaso biglang may bumusina, may kotse na huminto kaya napatingin ako.
"Rude Girl! Gusto mo bang sumabay pauwi? Hahatid ka namin." Tinawag ako ni Areeya Razon nayon, naka sakay sya sa kotse ni Kerick habang si Kerick naman ang nasa driver seat.
Ay waw.
"Hindi na." Maikli kong sagot at nagpasya ng maglakad ulit, umaasa ako na aalis na sila pero hindi. Sumusunod sila sa lakad ko kaya nakaka inis! Badtrip na nga ako kanina sa kanya tapos aayain nya pa ako na sumakay sa kotse pa ni Kerick!
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...