Chapter Twenty-Three: Excuse Me

133 7 1
                                    







Ameera's Point Of View






Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko, lumipat ako sa kabilang side ng kama ko para iwasan ang sikat ng araw. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at feeling ko ay sasabog na.





"Ameera gumising kana." Napadilat ang mata ko nung narinig ko ang galit na boses ni Mama. Inalis ko ang kumot ko at bumangon na, lalo kong naramdaman ang sakit ng ulo ko.






"Ikaw bata ka! Kailan ka pa natutong uminom ha?! Ameera hindi kana bata para sabihan pa kita kung ano ang tama, paano kung may nangyari sayo kagabi? Nako habang tumatagal ay natututo ka ng mag gaganyan!" Sermon ni Mama sa akin, huhu umagang-umaga ay sermon agad ang naririnig ko tapos masakit pa ulo ko.





"Amy ano na naman yan? Hayaan mo si Ameera magsaya at alam nya na ang ginagawa nya, dalaga na ang anak natin at parte yan ng pagiging kabataan nya." Pagtatanggol naman ni Papa sakin as always.





"Ayan! Kaya ganyan si Ameera dahil kinukonsinte mo! Lagi mo nalang pinagtatanggol ang hindi naman tama, ewan ko nalang!" Sigaw ni Mama at umalis ng kwarto ko. Nakaligo na si Mama kaya for sure aalis na yun papuntang resto.






Tumingin ako kay Papa dahil pinagtanggol na naman nya ako mula sa sermon ni Mama, magtha-thank you sana ako pero masama ang tingin sa akin ni Papa.





"Hindi kita pinag tatanggol sa Mama mo dahil tama ang ginagawa mo! Pwede kang uminom pero yung sakto lang at makakalakad kapa, kung may nangyari sayo hindi ako mapapatawag ng Mama mo." Seryosong sabi ni Papa tsaka umalis, nakabihis na rin sya kaya aalis na rin siguro sya.





Tumayo naman ako at naglakad ng dahan-dahan papuntang cr, gusto ko pang matulog pero siguro hindi na babalik ang tulog ko dahil sa boses ni Mama, naghilamos ako at nag-ayos bago lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina.





Nakita kong may gamot at tubig sa dining table kaya napangiti ako, kahit galit si Mama ay maalagain parin sya sa akin sabagay tama naman si Mama na dapat hindi ako nagpakalasing ng sobra, yung napili ko kaseng alak ay matapang at uminom pa ako ng beer kaya dedo na talaga.





Kumain muna ako ng breakfast bago uminom ng gamot, hinugasan ko ang pinag kainan ko at umakyat ulit. Humiga ako sa kama at balak kong matulog ulit at ayun nakatulog nga ako.




Kinabukasan ay linggo, wala namang bago at tumulong lang ako sa resto ni Mama, okay na kami ni Mama at Papa dahil nagusap na kami kagabi. Nagsorry naman ako at tinanggap na mali talaga ako.




Hanggang sa dumating ang lunes, pumunta ako sa DC hall para magpractice. Nagulat ako kase nakaupo lang sila sa sahig habang nasa harapan naman si Coach Rein.




Nakiupo ako sa kanila at tumingin sa harap para makinig ng sasabihin ni Coach Rein. It's third week of September na pala at medyo malapit na ang Dance Festival.





"Okay Dancers, give me a minute para magsalita before tayo magproceed sa practice natin. Division Dance Festival coordinator and Senior Professor from Bright University is here, she's visiting every school na kasali sa competition." Panimula ni Coach Rein, sus





"Prof Areeya Razon," Pagpapakilala ni Coach Rein sa kanya, maganda sya at mistisa parang sya ang definition ng beautiful. Mahaba ang buhok nya at medyo matangos ang ilong, maganda ang pangangatawan at sa tingin ko ay nasa mid 20's sya.




"Hello everyone, I'm Areeya Razon Divison Coordinator and Professor from Bright University." Introduce nya sa sarili nya, medyo may pagkamahinahon ang boses nya.




Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon