Ameera's Point Of View
"I starting to like you."
Tumawa ako.
"Lika na nga, sumasakit lang tiyan ko sayo." Sabi ko sa kanya tapos nagpatuloy lang ako sa paglalakad, matagal sya bago sumunod sa akin at wala na akong imik, binilisan ko onti ang paglalakad para mabilis makapunta sa bahay.
"Ameera,"
Nagulat ako nung tinawag nya ulit ako sa pangalan ko, napahinto ako sa paglalakad at wala akong nagawa kundi tignan sya. Bigla na namang may kumalabog sa mga ugat ko, highblood na siguro ako.
"Liligawan kita, seryoso ako." Sabi nya na seryoso ang mukha nya. Katulad nang dati ay wala na naman akong masagot sa mga pinagsasabi nya, mental block is real char parang quiz lang namin.
"Wag moko ligawan, seryoso ako." Ginaya ko yung sinabi nya pero in different way hehe hindi sa nag-iinarte ako pero sa itsura kong 'to? Hindi naman ako kaligaw-ligaw ng tulad ni Kerick. Hanggang friend zone lang yata ang matatanggap ko sa mga lalaki jusko.
"Liligawan kita, at papayag ka."
"Tangina, edi sarili mo nalang ligawan mo tutal ikaw naman nasusunod." Napamura na ako pero hindi naman malutong, nagmura ako pero di ako galit parang nasasanay na akong nagmumura bilang expression ko.
"Ameera, maging seryoso ka nga." Medyo nainis na ang tono ng boses nya, sabagay nakakainis naman talaga kapag kausap mo katulad ko.
"Seryoso ho ako." Sarkastik.
"Hindi halata." Puna nya.
"Bahala ka, uuwi na ako." Pagmamaktol ko at nagpatuloy ako sa paglalakad, malapit na kami sa bahay kaya wala na din syang nagawa kundi tumahimik na. Buti naman ay tumigil na sya kase maiirita talaga ako sa maiingay na tao lalo na walang sense ang sinasabi.
"Oh bye." Sabi ko nung makarating na kami sa tapat ng bahay namin, labis ang pasasalamat ko kase andito na kami sa bahay para wala ng magulong Kerick ang makakausap ko.
"Ameera liligawan kita at wala kang magagawa don, see you tomorrow bye." Mabilis nya sabi at bigla akong hinalikan sa pisngi, like what the shit? Nakakailang kiss na sya sa pisngi ko at ang nakakainis bigla bigla nyang ginagawa.
May dumating na sasakyan at sumakay sya don, driver nila yon at siguro nagpasundo sya.
Kinabukasan, ay ganon din ang ganap samin ni Kerick. Pumupunta sya sa bahay at don na minsan nagaalmusal dahil sa kapal ng muka nya, tapos lagi syang nandito kapag umaga para sumabay maglakad at kapag uwian naman na ay lagi syang nasa gate.
Dalawang buong linggo ganon ang ginawa nya na parang body guard ko na sya, para bang may manghohold-up sakin at kailangan ko ng body guard na magbabantay sa akin.
Nasasanay na akong ganon ang ginagawa nya, hindi ko na din sya mapigilan sa ginagawa nya. Masyadong makulit si Kerick at walang makakapigil sa mga aksyon nya at balak nya sa buhay; kahit paulit-ulit kong sabihin sa kanya na hindi ko gusto ang ginagawa nya katulad ng liligawan daw.
Kahit ayaw ko man ay hindi talaga sya magpapapigil kaya ang tangi ko lang magagawa ay sabayan sya sa kahibangan nya.
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...