Chapter Twenty: Ignored

142 8 15
                                    







Ameera's Point Of View






"Siguro naman hindi ka na guguluhin ni Kerick sa mga sinabi mo kagabi? Grabe ghorl pang best actress na yung line mo don." Kinwento ko kay Amelia ang nangyare kagabi pati yung mga sinabi ko, sayang wala si Leen para makwentuhan ko din.






"Hindi ko alam." Sagot ko.




"Baka naman nafafall na talaga sayo si  fafa Kerick? Kung ako sayo ghorl nagpapaligaw nako! Tutal alam naman nila Tita at Tito eh. Suko ko na agad yung bataan ko pag niligawan ako ni Kerick." Sabay tawa ni Amelia, napatawa din ako sa sinabi nya. As usual naglalakad kami papuntang school.




"Hindi ako maloloko non, sa itsura kong to hindi kagusto-gusto kaya for sure pinagtitripan lang ako ni Kerick." Sambit ko at inayos ko ang botones ng uniform ko kase nagulo eh.




"Sabagay may point ka! Sa akin pwede pang magkagusto si Kerick pero sayo mukang malabo nga HAHAHAHA!" Napaka bully ng babaeng to, sinamaan ko lang sya ng tingin. Sanay na ako na inaasar nila ako ng mga ganong bagay lalo na si Leen.





Nakarating kami sa school na may kumpulan ang mga tao, nagkakagulo sila at napaka ingay para kang nasa palengke. Nagkatinginan kami ni Amelia atsaka pumasok para tignan ang ingay na yon.





Sumingit pa kami para maka daan at mas lalo pang makita ang nangyayari, si Amelia hindi talaga nagpatalo sa singitan dahil dakilang chismosa sya. Sinisiko nya para umalis sa dinadaanan namin.





Hanggang sa nakita na namin sila Leen at Lexus kasama si Wander na nagsasagutan, nasa gitna si Wander at todo awat kay Lexus. Uulit na naman ba sa nangyare kahapon?




"Wander say to her that you love me and you're making fun at her." Rinig kong sabi ni Lexus, nasa likod nya ang mga kasama nyang friends na handang rumesbak anytime.





"Lexus stop it!" Wander says.






"Bakit ba ayaw mong tanggapin na kami na ni Wander? Marami pa namang lalake dyan h'wag kang masyadong uhaw sa lalake!" Palaban na bitaw na salita ni Leen, Seeing Leen right now I don't think she's okay, saan kaya sya natulog kagabi dahil ang sabi ni Amelia hindi na naman daw umuwi.




"Ako uhaw sa lalake? Excuse me! Ikaw ang uhaw at patay gutom sa lalake, mahilig ka sa tira-tira or what do you called that? Oww kanin baboy!" Lexus said sarcastically, nag iingay naman yung mga tao kung saan sila panig na parang nga tanga.





"HOY!" Biglang singit ni Amelia.





"Isarado mo bibig mo! Masyado kang nagmamalinis, anong tingin mo sa sarili mo? Ikaw nalang kaya maging janitor ng school tutal nagmamalinis ka naman, wala kang karapatang sabihan ng ganon yung kaibigan namin!" Bulyaw ni Leen sinenyasan naman nya ako na magsalita na.





Anong sasabihin ko? Hays.





"A-ah oo tumigil ka! Kilala namin si Leen at isa lang masasabi ko! Pakyu." Sabi ko at tinuro ang gitna kong daliri, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ayan nalang.




"Jejemon friends pfft!" Naiinis na nag walk-out si Lexus at sumunod naman ang mga alipores nya. Nagsi-alisan na rin ang mga studyanteng chismangers.




"Gusto ko yung sinabi mo!" Sabi ni Amelia at humalakhak.





"Amazona squad." Biglang sumingit sa usapan si Franz at Alonzo. Nakita kong nasa gilid sila Leen at Wander na naguusap sila kaya umalis na kami at naglakad sa hallway.





Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon