Chapter Six: Hurts

227 10 1
                                    


Meera's POV




"Follow me." Sabi ni Kerick atsaka ginaya ko ang ginawa nya, actually sumasayaw ako pero sabi ko nga ay di ako magaling nung elementary ako sumali ako sa Dance audition sa school kaso nakuha ako yehey! But sad to say na hindi ito ang passion ko.

"Ang hirap naman nyan bakit kase ako pa ang nakuha, lagot talaga saken yung mga bruhang yon!" Pagbabanta ko. Sumasayaw na yung iba tapos kame heto nahihirapan ako jusme.


"Remember you're my girlfriend so better na ikaw yung kapartner ko para layuan ako ng mga nahuhumaling saken." What the f! Masyadong mayabang at arogante! Eh onti lang naman nagkakagusto sa kanya, yung iba nagkakagusto kay Alonzo o kaya kay Franz tskk.


"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Inis kong sabi tapos tinarayan ko, nakakainis yung mga mayayabang na lalake masyadong makapal ang mukha eh buti sana kung gwapo talaga sila hays bangko!


"Turuan mo na nga ako nang matapos na ang kabaliwan na 'to." Sabi ko then humanda ulit ako para matuto at ilagay sa utak yung step na ituturo ni Kerickong nyenyenye.


"Okay ikaw na mag-isa titignan ko kung nakuha mo ang mga itinuro ko." Sabi nya nang matapos ang huling step ng sayaw huhu medyo di ko maalala lahat, napaka bilis naman kase magturo.


"Hays tsk ano ba ulit yon? pagkatapos ng ganito? What's next?" Naks english yun mga besh di mo kaya hihi tinry ko lang para di masyadong magalit si Coach Kerikong.


"Ang tanga mo naman! Nakakapagod ka turuan damn it! Ganito lang di mo pa magawa? Diba matalino ka bakit di mo maintindihan? Tsk!" Bulyaw nya sa akin kaya nabigla ako? Nagawa nyang sabihin yon? Ang masakit na salita? Actually di ako makagalaw dahil nabigla ako sa sinabi nya at for sure pinaguusapan na nila ako sa labas.


"Ang tanga mo naman! Nakakapagod ka turuan damn it! Ganito lang di mo pa magawa? Diba matalino ka bakit di mo maintindihan? Tsk!"

"Ang tanga mo naman! Nakakapagod ka turuan damn it! Ganito lang di mo pa magawa? Diba matalino ka bakit di mo maintindihan? Tsk!"

Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga katagang sinabi nya, dapat matuwa ako diba? Kase totoo naman eh na tanga ako at di ako matalino dahil nagfefeeling lang ako? Tapos kunyare magaling sumayaw kahit hindi naman talaga diba?



May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko, I didn't expect that word from him. Oo, hindi kame magkasundo at lagi kaming nag-aaway pero wala akong makitang dahilan para sigawan ako at sabihan ng ganitong salita.


Pilit kong pinipigilan ang mga luha na tumulo dahil magmumuka akong tanga talaga at mahina pagkatapos marami nang mangbubully sa akin na kinakatakot kong mangyare.


"Guys focus, Kerick okay na ba kayo? Sumali na kayo dito para matapos na." Sabi ng dance instructor saka hinila ako ni Kerick papunta sa pwesto namin.

Inaalala ko ang mga step lahat para di ako mapahiya sa harap ng maraming tao, sana talaga di na ako nagpunta dito. Isa ito sa pinagsisisihan ko ang ginawa Kong 'to ngayong araw. Tanga-tanga.



Simulang tumugtog ang kanta at hudyat na magsimula na kaya pilit kong binibigay ang best ko na alalahanin ang step mula umpisa hanggang sa matapos ang kanta, bigay todo! Tama! Yan nga! Ipakita mo na kaya mo!




I don't care if you're here
Or if you're not alone
I don't care, it's been too long
It's kinda like we didn't happen
The way that your lips move
The way you whisper slow
I don't care, it's good as gone (uh)

Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon