Chapter Thirty: Speechless

59 4 0
                                    








Ameera's Point Of View







"Pwede na po kayong pumasok sa klase mo." Sabi ng nurse dito sa Clinic,  naka-abang kase ako dito sa labas ng kurtina kung saan andito si Kerick. Amoy na amoy ang mga gamit dito sa Clinic na may halong alcohol.






"Hindi, dito lang ako." Pagtanggi ko sa sinabi nya, wala naman syang nagawa kundi umalis nalang. May ginagawa pa sila sa loob kaya naghihintay ako na matapos.







After dalhin si Kerick dito sa Clinic ay umalis naman si Areeya, mabuti na rin yon dahil naiinis lang ako sa kanya tuwing nakikita ko sya.





Marami rin ang studyanteng nagsisipuntahan dito at halata namang ayaw ng iba pumasok sa class nila kaya eto ang ginagawa nila hays bakit hindi nila ako gayahin? char tamad din pala ako makinig.




Second class ko na ngayon dahil nga excempted kami sa first class for rehearsal sa Dance Festival, malapit na rin pala dahil October na ngayon.





Lumabas muna ako nung mainip ako kakahintay, balak kong bumili ng snacks para kay Kerick dahil malapit na rin ang break time pero bago ako bumili ay nag-cr muna ako, naiihi ako.




"How's your life Ayah?" Kasalukuyan akong nakaupo sa toilet dito sa isang cubicle, biglang pumasok ang dalawang babae na nag-uusap. Pamilyar na boses ito at alam kong si Areeya at Ayah ang nag-uusap.




"Omaygash, I'm not feeling well this last days because of my allergies. How about you Reeya? I'm glad your back and napansin kong nandito kana lagi? What's your plan? What do you think about Kerick?" Rinig kong maarteng sabi ni Ayah, ang hula ko ay nagme-make up ito dahil may tumunog na something.




"I don't know, Kerick changed a lot and our past is still here." Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila basta si Kerick ang topic nila. Nagmuka na naman akong chismosa sa lagay ko ngayon, nanatili lang akong nakaupo sa cubicle at inaantay na matapos sila.




"I like Kerick before but may nerd girl na laging kasama ni Kerick in the past weeks, akala mo naman ang ganda." Alam kong ako ang tinutukoy nya dito,  gusto ko lang marinig ang sasabihin ni Areeya.






"Do you mean Ameera? That rude girl, but I think she's interesting and I have a feeling na hindi naman sya gusto ni Kerick kaya don't worry Ayah, take your chance and be Kerick's Girlfriend." Nabigla ako sa sinabi ni Areeya, ano bang koneksyon ni Ayah at Areeya sa isa't isa? I'm confused.





"No, I don't like Kerick anymore besides I have a boyfriend right now and take note! He's from Bright University, na mas gwapo pa kay Kerick, hayaan mo na kay Ameera si Kerick and let's see kung mag work ang relationship nila haha." Tumawa si Ayah ng bahagya.





"What's his name? I mean your boyfriend na from Bright University?" Tanong sa kanya ni Areeya.





"His name is Trim, He's handsome and so cute. Nakilala ko sya last month sa club and nagdate kami and then sinagot ko na sya, I found him interesting, good kisser and wild at night hehe." Malanding ani ni Ayah, bigla kong naalala si Trim na nakilala ko sa club nung nakaraan.




"Wow that so fast, Yeah Trim is nice and good student from Bright University. You have a good sexlife and hope all haha." Tumatawang sabi ni Areeya, bakit antagal naman umalis ng dalawang 'to.





"Haha, let's go to cafeteria, let's meet my friends there." Sa wakas ay umalis na rin sila, naguluhan ako sa pinag-usapan ng dalawa. Anong past ang tinutukoy ni Ayah? Hays.




Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon