Ameera's Point Of View
"Umuwi ka na!" Pilit kong pinapauwi si Kerick sa takot na baka biglang dumating sila Mama at Papa tapos makita nya na may lalake akong pinapasok sa bahay.
"I'll sleep here."
"Hindi pwede! Isa! Dalaw-" Nagbilang pa ako bilang pagbabanta or panakot sana pero humiga pa talaga sya sa sofa na akala mo bahay nya, hays napaka kulit naman nito! Sa simpleng ganito naii-stress nako, bwiset! Nag isip ako ng pwedeng gawin para mapa-alis sya.
Tinry kong lumabas ng bahay para sumunod sya pero walang epekto sa kanya, ten minutes nakong nag aantay pero hindi sya lumalabas kaya pumasok nako. Napaka kapal ng pagmumukha dahil binuksan pa ang tv namin at nanood pa ng Netflix! Hanep! Kumain pa sya ng banana chips na kinuha pa sa kusina namin!
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Lumayas ka na dito! Bwiset ka! Lalayas ka o tatawagan ko sila Mama na may magnanakaw na pumasok sa bahay?" Binantaan ko sya pero naka focus lang sya sa pinapanood nya na Money Heist.
"Call them para makilala ko na ang future mother in-law ko." Aba'y g*go talaga! Huhu gusto kong maiyak para lang umalis sya, mag seseven na at paniguradong pauwi na sila Papa.
"Bahala ka sa buhay mo! Ako nalang ang aalis." Another pagbabanta na naman at binuksan ang pinto para lumabas pero biglang may dumating na kotse at sila Mama yun kaya napapasok ulit ako pinuntahan si Kerick.
"Kerick andyan na sila Mama! Magtago ka! Dali! Magagalit sakin si Papa pag nakita nya na may lalake dito!" Hinila ko sya at hindi ko alam kung saan ko sya itatago, sa kwarto ko nalang kaya? Pero baka pumasok don si Mama hays bahala na!
Hinila ko sya paakyat sa second floor para ipasok sya sa kwarto ko, sinabi kong magtago sya na pwedeng pagtaguan sa kwarto ko. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok sila Mama kaya bumaba ako.
"Anak bakit bukas yung tv at wala namang nanonood?" Tanong ni Mama, umupo ako sa sofa at kumain ng banana chips para kunware ay ako ang nanonood.
"Nanonood ako, may kinuha lang ako sa kwarto ko." Palusot ko.
"Nanonood ka pala ng mga ganyan Anak? Good to know." Sabi ni Papa at umupo sa sofa, nakinood na rin sya. Si Mama naman dumiretso sa kusina.
"Kanino nga pala ang kotse na nasa tapat ng bahay natin?" Tanong ni Papa, at hindi na ako sumagot para iwas kasalanan na rin.
"Meera bakit hindi mo man lang inayos dito? Diba sabi ko kapag kukuha ka ng pagkain dito ayusin mo? Hay nako bata ka." Hindi naman masyadong galit yung tono ng boses ni Mama kaya chill lang ako.
Nakita kong pumasok si Mama sa kwarto nila at pagka labas dala na yung mga nilabhan nyang damit ko,
"MA!" Pasigaw kong tawag.
"Saan ka pupunta?" Dugtong ko.
"Bakit ka sumisigaw hay nako nagugulat naman ako sayo, pupunta ako sa kwarto mo at ilalagay ko yung damit mong mga ito." Omay- napabangon ako sa paghiga ko sa sofa at pumunta kay Mama.
"Ako na maglalagay ma hehe." Sabi ko at kinuha ang mga damit kong nakatupi na ng maayos. Nagtaka pa yung itsura ni Mama pero wala naman syang nagawa kundi bumalik sa kusina para magluto ng dinner.
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...