Chapter Thirty-Two: Semester

99 7 6
                                    









Ameera's Point Of View








"Hays nakakapagod magbasa!" Reklamo ni Amelia at binagsak ang librong binabasa nya tsaka yumuko, andito kami sa library. Nagrereview kami dahil malapit na ang second semester kaya ang goal namin ay makapasa.








"Antamad mong magbasa ng libro sa school pero sa wattpad kahit isang daang chapters pa kayang kaya mong basahin!" Hirit naman ni Leen, gumagawa sya ng reviewer nya. Tinarayan lang sya ni Amelia.








"Yung deal natin isipin nyo, Kung sinong pinakamababang score ay may consequence." Sabi ko habang naghi-highlight ng mga important details sa notes ko. Next week ang examination for second semester kaya busy ang bawat studyante na gusto talagang makapasa.







"Padeal-deal pa kayong nalalaman, eh ako lang naman bobo sa'tin kaya for sure ako na ang pinakamababa huhu, ang unfair nyo! Hindi nyo na ba ako mahal?" Umarte pa si Amelia na kunwaring umiiyak.







"Challenge 'to sayo kaya magreview ka dyan! Once a bobo pwedeng tumalino, fight for it Amelia!" Hindi ko alam kung nag-aadvice ba si Leen or inaasar si Amelia.







"Once a bobo, always a bobo ganon!" Bulyaw ni Amelia at nagpatuloy sa pagbabasa, balak nilang magsleep-over sa bahay para magreview pero hanggang balak nalang siguro yon hehe.






"Pwedeng kumain muna tayo?" Akmang tatayo na si Amelia pero hinila sya pabalik ni Leen, nagmake face naman si Amelia na nakahawak pa sa tiyan nya.






"Franz!" Biglang nabuhayan si Amelia nung makitang papunta sila Franz sa table kung nasaan kami, kasama sila Alonzo, Wander, at Kerick. May dala silang pagkain kaya nabuhayan ang kalamnan ng bruha.







"Bawal magdala ng pagkain dito." Sabi ko nung mailagay nila ang pagkaing dala nila sa table.







"We find ways." Sambit namin ni Alonzo at napatingin sa counter. Napatingin din ako, nakita ko ang mga librarian na kumakain na din at yung isa ay nag thumbs up pa kay Alonzo.







"Nako, wag ka na umarte Ameera salamat talaga sa pagkain ha! Gutom na gutom na talaga ako." Masiglang sabi ni Amelia at nilantakan ang burger, si Leen naman ay pinupunasan ng pawis si Wander dahil galing sila ng training.






Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko kahit nararamdaman ko ng gutom na ako, naamoy ko din ang kinakain ni Amelia kaya nagutom ako bigla. Medyo maingay sila kaya hindi ako makapag-concentrate.







Bigla nalang may burger na lumapit sa bibig ko, nadikit sa labi ko. Si Kerick!







"Say ah." Sabi nya.








"Ayoko, nagrereview kami." Ani ko.







"Ikaw nalang nagrereview oh." Bulong nya at tinuro ang ginagawa nila Amelia at Leen. Nakikipagtawanan na si Amelia kanila Franz at Alonzo habang si Leen ay nakikipag-usap kay Wander.







Sinara ko ang notebooks at mga libro ko tsaka tinabi sa bag ko, mamaya nalang ako sa bahay magrereview. Kinuha ko ang burger na binibigay ni Kerick sa akin pero bigla nyang kinagatan.






"Tss."







"I won! Na-distract kita kaya kikiss mo sa cheeks." Aba'y gago tinaas ko ang middle finger ko sa kanya, kumuha nalang ako ng panibagong burger tsaka kinain, kapag ako hindi nakapasa sisisihin ko sila Amelia at Leen! Mga bruha.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Paasahin Si Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon