portin:>
Ameera's Point Of View
"Congrats Ameera!" Sabi nila Amelia at Leen habang palabas kami ng gate, kakatapos lang i-announce na bagong member nga daw ako. Bukas ulit ay merong meeting, hays gusto ko pa naman matulog hanggang tanggali bukas kase sabado, at birthday rin ni Franz non.
"Saan nga pala kayo pupunta ni Kerick?" Biglang tanong ni Leen, tumingin ako kay Kerick para sa kanya manggaling ang sagot kase hindi ko rin alam.
"Hmm gusto nyo sumama?" Yan lang ang sagot nya, punyemas bakit ayaw nya sabihin kung saan kami pupunta? May pa sekreto pang nalalaman.
"Okay lang ba? hihi." Umakto si Leen na nahihiya tapos nagpapabebe, syempre hindi aayaw si Leen makapal muka nyan eh haha! Si Amelia naman nagaayos pa ng buhok. Naglalakad kami papunta sa Parking lot.
"Teka! Kasama ba si Alonzo?" Biglang singit nin Amelia, bakit anlalandi nyo? Uhaw na uhaw sa gwapo mga ponyetang kaibigan! Friendships over na talaga charot.
"Yes."
Pumayag yung dalawa na sumama, kaya nang makarating kami sa kotse ni Kerick ay sumakay na kami, Ang ganda ng kotse ni Kerick iba talaga pag bigatin!
"Antaray ni bakla! Bagong member ng Dazzlers tapos nakasakay pa sya sa kotse ni Kerick swerte mo ghorl!" Malakas na sabi ni Leen, nakakabingi!
"Susuportahan ka namin Ameera!" Sabi naman ni Amelia sa likod, nasa likod sila tapos ako sa passenger seat katabi ni Kerick. Gusto ko sana sa likod umupo kaso baka isipin ni Kerick ginawa namin syang driver.
"Ingay nyo!" Sabi ko nalang kase napaka big deal sa kanila yung Dance Club na yun akala mo naman sasayaw kami sa Americans got talent mga OA!
Nakarating kami sa isang maliit na parang condo pero nagiisa lang sya na bahay na pinaliligiran ng halaman. Hindi naman ganon kaliit pero pwede na rin, parang bahay with coated flowers charing.
"Wow ang ganda naman dito, sa inyo ba 'to Kerick? Bigatin talaga kayo noh? Pwedeng ampunin nyo ako? Hehe." Manghang sabi ni Leen, si Amelia naman hindi makapagsalita sa nakikita nyang view. Well, maganda naman talaga pero bakit nya kami dinala dito?
"Samin nila Franz and Alonzo." Maikli nyang sagot. Binuksan nya ang pinto then pumasok na kami sa loob, Franz and Alonzo is here too. Kung maganda sa labas ay lalong mas maganda sa loob.
Parang music room dahil may gitara sa gilid at other instruments tapos may sofa at malaking tv, then may kitchen din at may bar don tapos sa other side naman may study table atsaka may bookshelf na parang sa library style. Malinis tignan at parang ang sarap tumira tapos nood lang maghapon ng Netflix.
Pumunta si Kerick sa may kusina at binuksan ang ref, may kinuha sya don. Sila Leen at Amelia umupo na sa sofa habang nakikipagusap sa kanila Franz and Alonzo.
"Tambayan nyo ba 'to ng squad nyo?" Tanong ni Leen, lumapit ako sa kanila tapos umupo katabi ni Amelia. Tambay feels yehey.
"Hmm yes pag ayaw umuwi or when we ditch a class dito kami pumupunta, and study syempre." Sagot ni Franz. Naglalaro naman si Alonzo ng mobile legends.
"Pwede kaming tumambay dito madalas? Hihi." Singit ni Amelia.
"Sure, why not diba?" Pahintulot ni Franz, si Leen naman parantanga na kinikilig. Naka ayos pa sya ng upo para magpakitang mihinhin kunware kay Franz. Tuwang-tuwa ang dalawa kase pwede silang tumambay dito feeling kasali sa friendship.
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...