Ameera's Point Of View
"Sedrano?"
Nagising yung diwa ko dahil sa pagtawag sakin ni Coach Rein, nakatulala lang pala ako habang nag papractice sila kaya nakaramdam ako ng hiya dahil nakatingin silang lahat sa akin.
It's been two weeks simula nung nakausap ko si Kerick, after ng araw na yon ay hindi na talaga pumapasok si Kerick. Ang sabi ng iba Kerick has a tutor na nagtuturo sa kanya para makasabay sya sa lesson at the same time tinuturuan sya ng parents nya about sa company nila, yun ang narinig ko sa iba.
"Are you with us?" Biglang tanong ni Coach Rein, tumingin ako sa kanya at tumango. This past few days was so boring lagi akong pinapagalitan ni Coach Rein dahil hindi na ako nakakasunod sa steps, malapit na silang matapos pero ako hanggang chorus lang yata ang alam ko.
"That's all for today see you on Monday morning, Ameera Sedrano please stay I want to talk to you the rest you may go." Sabi ni Coach Rein kaya nagpaiwan ako, nung nakaalis na ang lahat at kami nalang ang natitira sa D.C hall.
"Are you okay Ameera? May problema ka ba or something, you can tell me." Tanong ni Coach Rein, hindi na ako nagulat sa tanong nya dahil expected ko na ang sasabihin nya.
"W-wala po." Sagot ko.
"Hindi ka na nakakasabay sa dance step at lagi kang wala sa sarili mo, dahil ba sa boyfriend mo na si Valdez? I heard before na you two are couple." Parang tumaas ang balahibo ko sa sinabi ni Coach Rein.
"Don't worry about Valdez, everyday I send a video clip to him so that he can continue practicing the steps. You should fix your self Ameera dahil kung hindi I'll decide na palitan ka." Straight forward na sabi ni Coach Rein, tinanong ko ang sarili ko kung gusto ko pa bang sumali sa club na 'to.
"S-sorry Coach Rein." Paghihingi ko ng tawad, so kasali pa rin pala si Kerick sa sayaw? Siguro sobrang busy ni Kerick ngayon, ang sabi nya magpapahinga sya pero may inaasikaso pala sya.
"On Monday kailangan makikita na kitang masigla at hindi na nakatulala ha? Okay, you may go." Inayos ko ang gamit ko sa bag at lumabas na ng hall, hindi na ako nagpalit ng t-shirt kase hindi naman ako napawisan.
Pagkalabas ko ay hinila ako nila Amelia at Leen, nakikinig pala sila sa usapan namin ni Coach Rein. Mga dakilang chismosa talaga ang mga ito, daig pa ang mga nanay nyo char.
"Ameera mag quit kana! Ako nalang papalit sayo, mas magaling pa akong gumaling kaysa sayo." Biro ni Amelia, sumuport naman si Leen at tumawa ng malakas. Wala ng estudyante dahil kanina pa ang dismissal, buti nalang inantay nila ako nila Amelia at Leen.
"Kawawa si Ameera pinagalitan hahaha susumbong kita kay Tita Amy." Sabay halakhak ni Leen, aba'y susumbong pa ako kay Mama.
"Ghorl umayos ka na kase, sayang yung opportunity na makasali sa Dance Festival tsaka sa Bright University gaganapin at balita ko ay maraming gwapo sa BU baka doon na ako nakahanap ng jowa ko." Talak ni Amelia, puro gwapo nalang ang laging iniisip.
"Pass ako!" Ani Leen.
"Wander is my boy and sya lang gwapo sa paningin ko!" Dagdag pa ni Leen at ngumiti ng abot hanggang langit, teka bakit hindi nya pala kasama si Wander?
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...