Chapter One: Be my girlfriend
Ameera's POV
"Bakit mo pa kase pinatulan meera? kilala mo ba kung sino sya?" sermon ni Leen sa akin.
"Aba malay ko atsaka di rin ako interesado sa kanya, at kung di niyo ako pinag tripan sana walang ganap na ganon!" pasigaw na salaysay ko.
Nakakabanas sila!
"Sarap mo kasing pag tripan eh, diba Leen?" Sabi naman ng napaka galing na Amelia.
"Pfft HAHAHAHA! Oo nga nakakatawa yung mukha ni Meera, kung nakita mo lang sarili mo kahapon, unforgettable moment!" At nagtawanan sila, nakakainis!
"Tumigil nga kayo!"
Patuloy sila sa pagtawa kaya umalis na ako, wala akong mapapala sa dalawa kong baliw na kaibigan!
"Aray!" Sigaw ko.
Natama kase ang mukha ko sa matigas na dibdib pag kaharap ko.
"Ang lampa mo naman nerd!" Sabi ng pamilyar na boses, pagkatingin ko sya yung lalaking mayabang na nakaaway ko kahapon. Ang mas nakakainis ay badtrip kana sa dalawa mong kaibigan, makikipagsabay na naman 'tong mokong na 'to.
"Hoy! H'wag mo 'kong sabihan na lampa, tara suntukan tayo!" Matapang kong aya na makipag suntukan upang mapatunayan na hindi ako lampa.
"I go for it!" Payag naman nya.
Okay fine!
Hindi ko pinalampas ang pagkakataon, agad kong inihanda ang kamao ko at bigla ko syang inambahan ng suntok sa kanang pisngi nya.
Napaatras ang mayabang lalaki at napahawak sa pisngi nya. Medyo sumakit din yung fist ko, nakita kong may dugo na din ang labi nito. Napasobra ata yung sapak ko.
"Wala ka pala eh." Asar ko sa kanya. Alam kong hindi nya ako papalagan kaya marahil malakas ang loob kong hamunin sya pero kung lalaban sya ay palagay ko, ako ang talo.
"Shut up!" Batid mo sa awra nya ang pagkainis dahil nakita sya ng ibang babae na wari mo'y nagkakandarapa sa kanya.
"Lumaban ka naman!" Sigaw ko.
Agad syang tumayo at binuhat ako na parang sako! Nagulat ako sa ginawa nya kaya pinaghahampas ako ang likod nya kung saan nakaharap ang mukha ko, naamoy ko ang mabango nyang perfume na batid ko'y mamahin at pang mayaman.
What the hell!
"HOY BITAWAN MO AKO!" Lumalabas ang pagiging palengkera ko dahil sa lalaking 'to.
"Ibaba mo ako dahil kapag hindi mo ako binab-" Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng baklang kupal na 'to pero bigla na nya lang akong binalibag, mabuti nalang ay hindi masama ang pagkakabagsak ko.
"Ang tapang mong nerd ka! For your information, I have a power to kick students out of this school!" Pagbabanta nya.
"Bakit sino kaba? Ikaw ba may-ari ng school na 'to?" Matapang kong tanong, bigla ko ding naalala na wala pa akong pake sa kung sino sya kaya dapat hindi kona tinanong ang sinabi ko.
"Correction, tagapagmana."
"Tagapagmana lang pala eh! Hindi pa ikaw nakaupo sa pwesto as president of school kaya huwag kang umasta na para bang napasa na sayo ang mana" salaysay ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Paasahin Si Nerd
RomanceGusto lang naman ni Ameera Sedrano na makamit ang payapang highschool life ngunit dumating si Kerick Valdez sa hindi inaasahang panahon, paano kung inibig lang sya nito upang madurog ng pira-piraso ang kanyang puso? May rason bakit sya minahal, at y...