Chapter 1: Their story

1.5K 41 7
                                    

"Mars alam mo na kapag magkaiba ang kasarian ng mga anak natin ipagkakasundo natin sila"sambit ni Rosana habang hinahaplos pa ang may kalakihan na niyang tiyan.

"Oo naman"sagot ni Flora "nagpacheck up kana ba? mauuna ka pa man ding manganak sa akin" tanong pa niya.

"Ewan ko ba sa kumpare mo ang sabi niya huwag na raw namin alamin ang kasarian para surprise daw" natatawang saad ni Rosana.

"parehas lang tayo, sabi ni Greg huwag din daw."

Noong una pa lamang ay magkaibigan na ang mga magulang nila at ipinagkasundo na sila. Matapos ang siyam na buwan nagsilang ng babaeng sanggol si Rosana at Kahit pitong buwan pa lamang ang Kay Flora nanganak na din Ito ng sanggol na lalaki.

"Napaka Ganda naman ng anak mo!" May pagkamanghang sambit ni Flora habang nakatitig sa anak Ng kaibigan niya.

"Napaka gwapo din ng anak mo, paano ba yan ipakakasal na natin sila?"hindi matanggal ang ngiti ni Rosana habang halinhinan na tinitingnan ang mga anak nila.

"Bagay na bagay sila, tila sila talaga ang itinakdang magsama" muling sambit ni Flora.

"Aba kasisilang pa lang ng mga bata ganyan na ang iniisip niyo" pag awat ni Greg sa dalawa na kulang na lang ay magtawag nang pari upang magawa na ang gusto nila.

Tanging masamang tingin lamang naman ang natanggap ni Greg sa kanyang asawa na si Flora bago sabihin na . . .

"Basta sila ang magkakatuluyan ramdam ko Kahit Hindi pa tayo gumawa ng paraan."

**********

Sa paglipas ng panahon naging magkaibigan nga sina Athena at Kenjie. Tinuringnila ang isa't Isa bilang magkapatid. Paminsan pa ay pinagkakamalan silang kambal hindi lamang sa sabay Ang kanilang kaarawan kundi sa kadahilanang araw-araw silang magkasama.

"Ang galing mo talaga kanina Athena, Champion sa lahat ng Quiz bee sigurado ako nabilib nanaman yung mga may gusto sayo" panunukso ni Kenjie sabay tusok nito sa tagiliran ni Athena. "Ayiiieeh kinikilig siya" dagdag asar pa nito.

Halos umikot ang mga mata ni Athena sa mga pinagsasabi ng kanyang kaibigan.

"Aba ngayon ka lang ba nabilib? Matagal na akong magaling." Pagsakay nito sa kalokohan ni Kenjie.

"Teka nga muna, lumalakas ata ang hangin dito." Sambit ni Kenjie sabay kapit kay Athena na para bang may hangin talaga.

"Che, tigilan mo ako Kenjie"naiinis nang sambit ni Athena sabay tulak sa binata.

Agad namang umakbay si Kenjie sa dalaga."Ano ba kasing sekreto mo at napaka galing mo sa school?" Tanong nito.

"Simple lang nag-aaral ako ng mabuti, kaya ikaw magbago kana." Sagot nito ng hindi tumitingin kay Kenjie.

"Alam mo namang Isa lang ang pwede kong piliin it's either galingan sa school o sa sports and you know how much I love sports."

"Tsk! more than you love your parents?" Tanong ni Athena and this time tumingin na siya sa kaibigan niya.

"Grabe ka naman, of course I love my parents, kaya nga I always make a way to make them proud" agad na sagot ni Kenjie.

"EDI magbago ka, prove that you deserve to be a Delos Reyes." Sabay tulak ni Athena kay Kenjie ngunit sadyang parang magnet ito na dumidikit parin sa kanya.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon