NOBODY'S POVNaglakad na sila pabalik kina Liz, masaya silang nagkwekwentuhan.
Nang malapit na sila sa ilalim ng isang poste may Nakita sila.
"Si Athena ba yun?" Agad na tanong ni Sherlyn.
Napatango na lamang si Kenjie.
"Naku si Albert nanaman" bulong ni Sherlyn sapat lamang upang marinig ni Kenjie.
Napansin ni Athena sina Kenjie at Sherlyn na nakatayo sa di kalayuan, agad siyang napabitaw sa yakap na iyon at inayos Ang kanyang sarili.
"Kenjie" Halos pabulong na sabi Ni Athena.
Nang akmang lalapit si Athena mabilis na hinila ni Kenjie si Sherlyn papunta sa lugar nina Liz.
"kenjie sandali!" Sigaw ni Athena ngunit hindi na siya nilingon pa ng binata.
Pinigilan ni Albert si Athena.
"Athena, Ano ba? Bakit ba hinahabol mo yung lalaking yun?"
"Albert bitiwan mo ako, I need to talk to him, nakita niya tayong magkayakap baka kung ano ang isipin niya" sambit ni Athena .
"Ano naman kung nakita Tayo?hayaan mo siya, Ano kaba niya para mag explain?" Tila may inis nang wika ni Albert.
"please Albert, bitiwan mo na ako" sambit ni Athena at pilit kumakawala sa paghawak ni Albert sa kanyang braso.
"No!" Sigaw ni Albert "Hanggat sabihin mo sa akin kung sino ba yung lalaking yun sa buhay mo!" Dugtong pa niya.
Humarap si Athena Kay Albert, gulat na napatitig ang binata sa mga mata ng dalaga.
"Gusto mo talagang Malaman?" panimula ni Athena bago huminga ng malalim "Siya ang boyfriend ko! Ang buhay ko! Kaya pwede ba bitiwan mona ako?" Dugtong niya.
"So totoo na may boyfriend kana?"
"Bingi kaba Albert? Please for the nth time bitiwan mo ako."
At lumuwag ang hawak ni Albert Kay Athena, agad na tumakbo si Athena para puntahan si Kenjie.
********
Nang makarating siya doon Nagsisimula na ang sayawan. Pilit hinanap ni Athena si Kenjie ngunit si Sherlyn lamang ang nakita niya.
Agad siyang lumapit sa kanyang kaibigan.
"Sherlyn na saan si Kenjie?"
"I can't hear you Bess!" Pang asar ni Sherlyn.
"Si Kenjie Nasaan?" Pag uulit ni Athena.
"Ay si Kenjie? Naku Bess tumalon na sa bangin" biro na sagot ni Sherlyn.
"huh?"
"Tumalon na sa Bangin yung jowa mo Athena!" halos pasigaw na wika ni Sherlyn dahil sa lakas ng ingay sa paligid.
"Sherlyn naman eh, Hindi ako nakikipag biruan!"
"Nandoon oh , dika na mabiro" nakangiting sambit ni Sherlyn.
At nilingon ni Athena yung lugar na tinuro ni Sherlyn. Nakita niya na Naka upo Ito kasama ang ibang mga lalaki at seryoso sa panonood.
"oh Bess Ano pang hinihintay mo lapitan mo na!"
Napaupo na lang si Athena sa tabi ni Sherlyn.
"huwag na lang muna baka galit eh" sagot ni Athena.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...