Chapter 11✓: Vigan

384 19 2
                                    

KENJIE'S POV

Maaga akong nagising at matapos ayusin ang mga gamit ko mabilis akong nagtungo sa bahay nila Athena.

Papa ni Athena ang nag bukas ng gate.

"napaka aga mo naman kenjie." Bungad sa akin ni tito Rey.

"Good Morning po pa! mahirap na pong malate pa." Sagot ko naman.

"oh siya sige pasok kana, tulog pa si Athena." Sambit muli niya.

Pumasok na ako sa loob at naabutan ko si mama na nag-aayos ng mga gamit.

"ma good morning po!" Bati ko sa kanya.

Napalingon naman siya.

"napaka aga mo naman anak, tulog pa si Athena." Sambit ni tita.

"okay lang po , mas maganda na pong maaga." Turan ko naman.

"gusto mo bang puntahan siya? Try mong gisingin" suhestiyon ni tita Rosana.

"maaari po ba?"

"Oo naman sige na, alam mo naman na Siguro yung kwarto ni Athena."sambit niya ng nakangiti.

"yes ma!." Sagot ko bago ako umakyat sa second floor nila, apat ang kwarto dito sa taas dalawang guest rooms .

Sa kanan ang kwarto ng parents ni Athena at sa kaliwa ang kwarto niya, at pinagitnaan naman ang dalawang guest rooms.

Hindi na ako nag-abalang kumatok dahil alam ko namang tulog mantika siya, dahan dahan Kong binuksan ang pinto at Nakita ko si Athena na wala sa kanyang kama. Maliwanag sa loob at organized ang lahat. Ito ang unang beses na makapasok ako sa kwarto niya, parehas sila ni Samantha maayos sa gamit.

Nakadukdok siya sa study table na medyo malayo sa kanyang kama, nakatulugan nanaman niya ang pagbabasa. Lumapit ako, Inalis ang libro at ibinalik Ito sa bookcase sa itaas ng table. Napaka rami niyang collections ng libro.

Karamihan sa aklat na naroon ay tungkol sa mga puso. Plano din kasi ni Athena na mag aral muli dahil sabi niya balang araw hindi na lamang siya magiging isang Cardiologist gusto niya Cardiothoracic Surgeon.

"Athena, love! Gising kana?" Sambit ko habang tinatapik siya sa balikat.

Unti unti siyang nagmulat ng mata.

"gising na mahal ko!" Malambing kong gising sa kanya.

"babe? bakit ang aga mo?" Halos pabulong na niyang tanong.

"inaantok kapa ba?" Balik na tanong ko.

Tumango lamang siya at muling pumikit.

Bigla siyang yumakap sa bewang ko at agad ko naman siyang binuhat. Muli bumalik sa malalim na pagkakatulog si Athena.

Nang maihiga ko siya sa kama agad kong ipinatong ang kumot sa kanya.

"okay , there! 30 minutes lang huh!" Sambit ko bago siya halikan sa noo.

"thank you Kenjie, ILoveYou." Sagot naman niya.

"sleep tight love." Bulong ko.

Hindi na siya sumagot dahil alam kong mabilis lamang niyang nakukuha ang kanyang antok.

Tumayo na ako at Pinatay ang ilaw sa kwarto niya at isinara ang pinto.
Bumaba akong Muli at naabutan ko si mama na nagluluto.

"oh Ano Kenjie, Tulog padin?" Tanong sa akin ni tita.

"Opo ma 30 minutes lang daw po." Sagot ko Naman.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon