Chapter 56

526 34 15
                                    


Francine: ik-aw si Ken-jie?

Kenjie: ako nga, mukhang kilala mo na ako.

Francine: not that much pero narinig ko na po yung name mo and nakita na din kita sa picture.

Naupo si Francine sa tabi ni Kenjie tinitigan lamang niya ito.

Kenjie: may dumi ba ako sa mukha?

Napangiti naman nang bahagya si Francine.

Francine: kilala mo po ako right?

Kenjie: oo naman, at gusto pa kitang kilalanin.

Pakiramdam ni Francine ay gusto niyang yakapin si Kenjie, at hindi na nga niya pinigilan ang kanyang sarili. . . Yumakap siya dito at gumanti din si Kenjie.

Kenjie: you feel that you know me?

Francine: and I need you, yun po ang nararamdaman ko.

Tumingin sila sa isa't isa.

Kenjie: tama nga sila, maaaring makalimutan mo ang lahat pero ang puso ang patuloy na magpapa alala sayo ng mga bagay na dapat maalala.

Francine: sino po ba talaga kayo? Ano pong parte niyo sa mga ala alang nakalimutan ko na? Narinig kong nabanggit na din ni mommy ang name niyo.

Kenjie: we're friends!

Francine: pero bakit parang gustong gusto niya na maalala po kita?

Kenjie: magtiwala ka Fransy gusto kong sabihin sayo pero hindi pwede dahil makakasama sayo.

Francine: pero paano ako makaka alala kung lagi niyong nililimitahan lahat?

Napayuko lamang si Kenjie.

Francine: I can't understand, diba dapat ipaalala niyo sa akin?

Kenjie: makakasama sayo. . .

Francine: I thought pagnakilala kita tutulungan mo ako, pero tulad ka din nila mommy DUWAG!

Tatayo na sana si Francine nang pigilan siya ni Kenjie.

Kenjie: malaking parte ako sa buhay mo!

Tumingin sila sa isa't isa.

Francine: kung malaki ang part mo sa buhay ko bakit kailangan niyo pang itago sa akin ang lahat?

Kenjie: dahil walang maidudulot na maganda pag nakilala mo ako.

Nanlalabo na ang paningin ni Francine, tila gusto na niyang bumagsak dahil sa kung ano ano ang nag flas-flashback.

Francine: I want to know the truth, dahil doon ako magiging tunay na masaya.

Napayuko lamang si Kenjie sa mga sinabi nang kanyang anak, tila naramdaman niya na mas nahihirapan si Francine. Kaya walang pag aalinlangan niyang sinabi na. . .

Kenjie: ako ang tunay na daddy mo!

With that point pinangapusan na nang hangin si Francine, tila may mga bumalik sa mga ala-ala niya.

Kenjie: ayos ka lang ba Francine?

Ngunit bago pa man siya makasagot ay nawalan na siya nang malay.

Kenjie: anak! Francine?

**********

Stella: she's okay Kenjie! Mamaya magigising na din siya.

Kenjie: dapat hindi ko iyon ginawa.

Stella: inamin mo sa kanya ang totoo?

Kenjie: nahihirapan na yung anak ko Stella, gusto niyang malaman ang totoo.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon