Chapter 57:Bonding

591 29 12
                                    


Pababa si Athena sa hagdan ilang hakbang pa lang ay nakita na niya si Kenjie na nakahiga sa sofa, bahagya itong natawa nang makitang pilit pinagsisiksikan ni Kenjie ang katawan nito sa sofa.

Athena: napaka laki kasing tao kaya yan pati sofa sinusukuan na siya.

Natatawang bulong ni athena.

Lumapit siya sa pwesto nito at pumantay sa mukha ni Kenjie. Hinaplos ni Athena ang napaka gwapong mukha ni Kenjie.

Athena: namiss ko din tong lalaking ito.

Nang mapadpad ang mga mata niya sa labi nang lalaki. Lumapit siya at dinampian ito ngunit naramdaman niyang mas idiniin siya ni Kenjie.

Hinawakan ni Kenjie sa bewang si Athena upang maidagan niya ito sa kanyang katawan.

Pinalo naman siya nang bahagya ni Athena dahil baka maabutan sila nang kung sino na ganoon ang position.

Ilang Segundo din ang itinagal nang halik na iyon. Nang maghiwalay ang mga labi nila.

Kenjie: ikaw huh! Pinagsasamantalahan mo pa ako.

Ngumiti lamang si Athena bago bumangon at naupo sa tabi ni Kenjie.

Athena: hindi ka pa babangon?

Kenjie: Mamaya na, gusto ko pang mahiga, hindi ako masyadong nakatulog kagabi.

Athena: sabi kasi sayo sa kwarto ka na lang, Edi mahimbing sana ang naging tulog mo.

Kenjie: hindi din naman kita katabi kaya mas gusto ko na lang dito.

Athena: yun lang pala , Edi sana nag request ka kagabi.

Napaupo nang bahagya si Kenjie sa sinabi ni Athena.

Kenjie: kung nag request ako papayag ka?

Tumango lamang ito habang nakangiti.

Kenjie: sayang, love tulog tayo ulit?

Sabay taas baba nang kilay niya.

Athena: hay naku pigilan mo nga muna yang kalandian mo may lakad pa tayo.

Nahiga uli si Kenjie at tinalikuran si Athena.

Athena: kenj! Bangon na bilis!

Saad ni Athena sabay palo sa balikat ni Kenjie.

Kenjie: Mamaya na, antok pa ako

Parang batang reklamo ni Kenjie at isiniksik pa ang kanyang katawan sa sofa.

Athena: hay naku bahala ka dyan.

Pagkasabi nun ni Athena tumayo na siya at nagpunta sa kusina.

Athena: good morning manang!

Manang: mukhang maganda ang gising mo hija?

Athena: lagi naman Manang.

Sagot nito habang kumukuha nang tasa para makapagtimpla nang kape.

Manang: iba ang umaga mo ngayon, dahil ba nandiyan na si Kenjie?

Athena: isa na din yun manang.

Manang: ano nang status niyo?

Gulat na napatingin si Athena kay Manang.

Manang: hay naku narinig ko lang sa anak mo Yan, nakakabagets daw eh.

Natawa naman nang bahagya si Athena.

Athena: ikaw talaga Manang.

Sambit ni Athena at muling ipinagpatuloy ang paghahanda nang kape at asukal.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon