Busy ang lahat sa pag aayos nang gamit para sa gaganaping medical mission.Athena: wala pa ba si Mayor?
Lea: dra. Wala pa pero sabi ni Cindy. . .
Cindy: dra. Athena nandiyan na po sila sa labas.
Athena: sige susunod ako.
Nauna nang lumabas sina Cindy at Lea. Nang akmang lalabas na siya.
Lea: hello sir?
Kenjie: Kenjie Delos Reyes assistant ni Mayor.
Nang marinig niya ang pangalang iyon tila gustong humakbang papasok muli sa loob nang tent ang mga paa ni Athena.
Lea: hintayin na lang natin si Dra.
Agad na pumasok muli si Athena sa loob.
Kenjie: sige! By the way siya si. .
Lea: Cess , ikaw ba yan?
Celine: Celine po, my real name is Celine.
Lea: Celine? Akala ko ba Cess lang ang name mo?
Cindy: naku ma'am Lea nickname lang pala niya yun.
Lea: so Delos Reyes ka din?
Celine: opo!
Lea: naku matutuwa si dra. pagnalaman niya na nandito ka.
Celine: sana nga po!
Lea: Cindy na saan na ba siya parang ang tagal naman ata niya.
Cindy: baka po nag ayos muna siya nang sarili.
Lea: magpahinga na lang muna kayo dito Mr. Kenjie and Celine, pupuntahan ko muna siya.
At agad na pumasok sa loob si Lea.
Kenjie: kilala mo sila?
Celine: sa Italy po sila galing.
Kenjie: so kilala mo din yung doktora nila?
Tumango lamang si Celine at tumingin sa tent.
Sa kabilang dako. . .
Lea: Athena halika na at hinihintay na nila tayo.
Athena: ammm. .. pasensya na, sino ba yung nandiyan?
Lea: assistant lang ni Mayor si Mr. Delos Reyes Kasama niya yung anak niya.
At mas bumilis ang kabog nang dibdib ni Athena, agad niyang sinuot ang wedding ring nila ni Samuel.
Athena: tara na?
Kinakausap lang ni Cindy si Celine habang si Kenjie nakatingin lang sa tent pakiramdam niya din ay may iba sa araw na ito.
Ilang minuto pa ay may palabas na sa tent at unang lumabas si Lea and sumunod si Athena.
Kenjie: Athe---na?
Halos pabulong na banggit ni Kenjie sa pangalan ni Athena, dahan dahan siyang napatayo. Habang si Athena napatingin din kay Kenjie dahan dahan din silang lumapit sa pwesto nila.
Napansin na din ni Celine si Athena at tumayo na din ito at agad siyang napansin ni Athena.
Lea: dra. Athena siya si Mr. Kenjie Delos Reyes, Mr. Delos Reyes si Dra Athena.
At agad na inilahad ni Kenjie ang kanyang kaliwang kamay, at tinanggap naman iyon ni Athena nang kaliwa din niyang kamay.
Athena: nice meeting you Mr. Delos Reyes.
Kenjie: nice to meet you too!
Lea: and guess what Athena ang nakilala nating si Cess ay si Celine na anak ni Mr. Delos Reyes.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...