Chapter 4✓

451 37 0
                                    


ATHENA'S POV

Patapos na naman ang ikatlong taon at habang patuloy na lumilipas ang lahat, Eto parin ako naghihintay at umaasa na sana bumalik siya na ako parin ang gusto niya.

Paulit ulit nilang sinasabi na lalaki si Kenjie at United States yun maraming mas maganda pang babae sa lugar na iyon. Hindi mahirap isipin na makahanap siya ng mas nakahihigit sa akin.

"tahimik ka nanaman!" Bungad ni Stella at naupo sa tabi ko.

"kamusta na kaya siya?" Bulong ko sapat lang na marinig ni Stella.

Biglang natahimik si Stella na siya ding ikinabahala ko dahil noon babanat agad siya na 'Naku pinagpalit ka na ni pinsan' o kaya naman 'may mga jowa na yun, move on na girl' , Pero ngayon mas pinili niyang manahimik.

"may Hindi kaba sinasabi sa akin?"agad kong tanong na bahagya niyang ikinagulat.

"Naku, naku wala ah!"sambit niya at umiiwas pa ng tingin. "Wala Atheng promise bakit naman ako magtatago sayo noh" dugtong pa niya.

"eh bakit napaka defensive mo!?" Tanong ko muli at tinitigan siya ngunit umiwas lamang siya Ng tingin.

"wala nga si Athena naman eh." Muli niyang sagot.

"sigurado kaba Stella? Baka naman pinagtatakpan mo yang pinsan mo!" Deretsa kong tanong.

"Aba hindi noh" tumingin siya sa akin "tsk ano ba naman athena para akong krimenal sa titig mo, Mauna na ako sayo huh." Tumayo siya agad.

"Hoy Stella. . . San--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad na siyang kumaripas ng takbo at iniwan niya ako mag-isa.

"oh Athena bakit Hindi ka pa umuuwi? Sinong tinitingnan mo dyan?" Si Amber na kadarating lamang.

"pauwi na din ako, ikaw ba?" Tanong ko at agad na inayos ang gamit ko sa ibabaw ng mesa.

"Hinihintay ko si Ryan , napaka Bagal niya nga eh." Naiiritang sambit ni Amber.

"Aba kayo din pala magkakatuluyan huh."nakangiting pahayag ko.

"yah, ngayong patapos na itong pangatlong taon natin nag-aalala din ako for last year natin." Wika ni Amber.

"ako naeexcite." Magiliw kong sambit.

"dahil makikita mo na si Kenjie?" Tanong niya.

"Oo, I can't even sleep at night dahil sa sobrang excite." Nakangiti ko paring sabi.

"gusto mo parin Siya noh? Even walang communication for more than 3 years, tibay mo" sambit niya ng tila may paghanga.

"Hindi ko rin alam pero yun talaga ang nararamdaman ko, gusto ko siyang hintayin." Sagot ko at muling naupo.

"but be ready padin Athena, dahil walang kasiguraduhan ang kahihinatnan ng inyong relasyon" muli siyang saad.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon