FRANCINE'S POVSabi nila bata pa ako para maintindihan ang lahat kaya dapat hindi ko muna malaman, but they don't know I can find a way to know everything and they don't have any idea how they broke my heart Everytime that they say a LIE!
Kasinungalingang kahit alam ko na patuloy padin akong sumasakay sa kanila.
Dahil umaasa ako na isang araw sasabihin nila yung totoo.Manang: na saan ang parents mo? Bakit hindi mo Kasama?
Francine: iniwan ko po sila sa restaurant.
Sagot ko at agad na umakyat sa kwarto, gusto ko nang kumawala sa mundong ito, sapat na yung ilang taon na nagpanggap ako.
Inayos ko ang lahat nang gamit ko and nang pababa na ako.
Manang: saan ka pupunta? Tumawag ang mommy mo papunta na daw sila dito.
Francine: Manang please I need to do this, Sabihin niyo umalis ako pumunta kung saan or better say hindi niyo alam kung na saan ako.
Manang: ano bang nangyayari sayo , Mali itong plano mo, mag aalala ang mommy mo!
Francine: kung hindi pa ako aalis dito mababaliw na ako.
Sabay kaming napatingin ni Manang nang biglang may bumusina sa labas ,I know sila na iyon.
Manang: sa likod ka dumaan, ipangako mo na tatawag ka sa akin.
Francine: I will! Thank you po!
Manang: mag iingat ka!
At agad na nagpunta sa labas si Manang upang pagbuksan ang parents ko. Tumakbo ako papunta sa likod nang bahay at lumabas sa maliit na gate.
Nang makalabas ako hindi na ako nag abala na lingunin pa ang bahay na iyon.Sumakay nang taxi at nagpunta sa lugar na Alam kong makakapag bigay sa akin nang kaliwanagan.
**********
Naging mahaba ang biyahe ko, wala mang kasiguraduhan ang pupuntahan ko, umaasa padin na makakarating ako .
Hawak ko ang isang maliit na papel, pagkalapag na pagkalapag nang eroplano hinanap ko na siya. . . Ngunit hindi pala ganoon ka dali, dahil inabot din ako nang ilang araw bago ko siya matagpuan.
**********
CELINE'S POV
Ilang araw na din ang lumipas mula nang muli akong makauwi dito, ipinagpatuloy ko ang paghahanap nang trabaho, kahit ang hanap nang mga Hospital ay College graduate patuloy ko pa ding hinahanapan nang pwesto ang sarili ko.
Nang araw nang linggo pagkagaling ko sa simbahan agad akong nagpunta sa palengke upang mamili nang mga kailangan ko sa lulutuin ko para kay dad.
Celine: ate magkano po ito?
Babae: miss . . .
Tumingin siya sa akin nang mabuti, na siya namang sobra kong ikinagulat.
Celine: ate may problema po ba? May dumi ba ako sa mukha?
Babae: naku miss kamukha mo yung hinahanap nung babae kanina.
Celine: ho? Babae?
Babae: oo miss, may hawak siyang picture mo , eh hindi pa naman kita nakikita kaya sabi ko hindi ko kilala.
Celine: sino po yung Kasama ko sa picture?
Babae: ah. .. eh.. .. siya din mukhang hindi dito sa Pilipinas yung lugar.
Celine: saan po siya nagpunta?
Tinuro nang babae ang kanang bahagi nang palengke agad akong naglakad lakad umaasang maabutan ko pa ang babae.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...