Chapter 51

432 19 6
                                    

I dedicate this chapter to jMoChardawn thanks sa support sis😘. . . And sa lahat nang patuloy na nagbabasa nang kwentong ito Salamat😘. . . God bless😊

____________

CELINE'S POV

Nagising ako sa ilang iyak na narinig ko, at pagmulat nang aking mga mata si Dad, nakangiti lang siya sa akin.

Kenjie: gising kana!

At niyakap niya ako naririnig ko sila ngunit tila naging isang halaman ako na nalanta na lang bigla.

Nagtagal sa ganoon na para bang nakikinig lamang ako sa kanilang lahat, madalas man nila akong kausapin at gustuhin ko mang sumagot ay walang lumalabas na ano mang mga salita.

Ilang linggo pa ang lumipas.

Samantha: Celine sige na kausapin mo na kami.

Pinantayan niya ako dahil nakaupo ako naupo din siya sa kama.

Samantha: alam mo ba yung lalaki sa Paris nakita ko na ulit siya.

Ngumiti siya sa akin pero ako nakatingin lang sa kanya.

Samantha: Marami kanang dapat malaman, gustong gusto ko nang sabihin sayo lahat pero Sabi nila hintayin pa daw na maging maayos ka.

Hinawakan niya ako sa kamay, hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko, dati naman madalas kong mahawakan si tita Karyll pero ngayon para bang naging iba.

Samantha: napaka laki mo na, hindi ko akalain na nasaksihan ko kung paano ka naging ganap na dalaga.

Nakatitig lang kaming dalawa sa isa't isa, umiiyak siya nang hindi ko malaman ang dahilan.

Samantha: bumalik ka lang sa amin Celine magbabago ang lahat.

Niyakap niya ako, isang napaka higpit na yakap na tanging siya lang ang nakapag bigay sa akin mula noong bata pa ako.

Pinilit ko ang sarili ko na ikilos ang aking mga kamay, nang umangat ito agad kong ginantihan ang yakap ni tita karyll.

Celine: ti--ta. . .

Tuluyan na siyang umiiyak at nang bumitaw siya sa yakap, kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik na marinig muli ang boses ko.

Celine: bakit ka umiiyak tita?

Samantha: na miss lang kita, okay kana ba ngayon?

Celine: opo tita!

Samantha: matutuwa sina mom and dad, Teka lang tatawag ako nang doctor.

Lumabas si tita, inilibot ko ang aking paningin nang maalala ko si Francine.

Celine: si Francine . ..

Pilit akong tumayo ngunit nahulog lang ako sa Kama.

Samantha: Celine?

Stella: Anong ginagawa mo Celine, wala ka pang sapat na lakas.

Celine: kailangan ko pong makita si Francine!

Samantha: Celine makikita mo din siya pero kailangan mo pang magpalakas!

Celine: no gusto ko siyang makita.

Ngunit bago pa ako makakilos ay naibalik na nila ako sa Kama at tinurukan nang kung ano, nagdimlim na ang paningin ko.

**********

Nagising ako na naririnig ang pag-uusap nang dalawang tao.

Samantha: ate Athena gusto niya talagang makita si Francine.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon