Chapter 83✓

407 23 9
                                    


After One Year

"Congratulations"

"Thank you for coming"

"Aba syempre palalampasin ba naman namin yung ganitong event" masayang sambit ni Janice.

"Aba nandamay ka pa, Alam naman ni Athena na foods Lang ang habol mo ano!" Pabirong sambit ni Stella.

Napuno nang tawanan ang tahanang iyon.

Ilang minuto pang nagtagal Ang simpleng salu-salo.

"Oh bakit nandito ka?" Tanong ni Stella sa kaibigan Niya.

"Maingay sa loob" sagot naman ni Athena.

"Inaalala mo pa din siya?"

Natawa Ng bahagya si Athena.

"Oh bakit natawa ka bigla? May nakakatawa ba sa tanong ko?"

Hinampas Ng bahagya ni Athena sa balikat si Stella.

"Aray Naman! Para saan naman Yun?" Reklamo nito.

"Napaka seryoso mo naman kasi" natatawang sambit ni Athena

"Alam mo tingin ko nga okay kana, okay kana ba talaga?"

Ang masayang Athena ay bigla na lang napahinto at tumingin sa kawalan.

"Paunti-unti. . ." Matipid na sagot Niya Kay Stella.

"Isang taon na Ang lumipas simula nung magdesisyon siya na lumayo"

"Our Decision"

Napatingin si Stella sa kaibigan Niya.

++++++++
Kringg! Kringg!

"Hello?"

"Can I talk to Dr.Athena?"

Sa tono pa lamang Ng boses ay Alam na ni Athena Kung Sino Ang nasa kabilang linya.

"Yes, Speaking"

Napahinto ang nasa kabilang linya.

"Hello, are you still there?"ulit ni Athena.

"Hindi mo na ba nakikilala Ang boses ko?"

Napahinto si Athena, napangisi ito bago muling sumagot.

"Ikaw ang hindi nakakilala sa boses ko Mr. Delos Reyes" sabay hinga Ng malalim.

Natawa Naman Ng bahagya si Kenjie.

"Pwede ba tayong magkita?"

"After a month gusto mong magpakita?" Seryoso na tanong ni Athena.

"I just want to clear everything"

"Okay, magkita tayo sa lugar kung saan iniwan kita noon" sambit ni Athena bago binabaan Ng tawag si Kenjie.

"Athena saan ka pupunta?" Janice.

"Magkikita kami ni Kenjie" walang emosyon na sagot ni Athena bago tuluyang iwan si Janice.

Puno Ng kaba ang dibdib ni Athena, Hindi Alam kung paano haharapin si Kenjie.

Naglakad siya paakyat sa maliit na burol, bawat paghakbang ay nagbabalik ang mga ala-ala.

Bawat sulok Ng burol na iyon ay puno Ng masasayang ala-ala na kailan man ay hindi niya malilimutan.

Tahimik Ang paligid na tila pati ang lugar na iyon ay nagluluksa sa nagbabadyang katapusan ng kwentong nabuo roon...

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon