Chapter 34

395 22 2
                                    


Kenjie: saan ba tayo pupunta?

Celine: dad huwag kana tanong nang tanong!

Sagot ni Celine sa kanyang ama habang hila ito papunta sa simbahan.

Celine: tara na dad?

Nakatingin lamang siya sa simbahan.

Celine: dad don't worry hindi ka masusunog , Sunog kana talaga!

Natatawang sambit ni Celine, ngunit nakatulala lamang si Kenjie, akmang aatras na siya nang may nakabangga siya, ang dahilan kung bakit siya natutulala.

Athena: Kenjie!
Kenjie: Athena!

Sabay nilang pagtawag sa pangalan nang isa't isa.

Celine: dra?

Athena: Celine, nandito ka din pala.

Celine: na saan po si Francine dra?

Athena: nasa kotse lang saglit.

Celine: puntahan ko lang po, dad isabay mo na si dra sa loob.

Kenjie: Teka. . .

Ngunit nakatakbo na palayo si Celine.

Athena: tara?

At naglakad na sila sa gitna.

Kenjie: sino nga pala si Francine?

Athena: makikilala mo mamaya! Doon na lang tayo oh?

At tumango lamang siya, naupo na sila nang magkalayo ngunit wala padin ang dalawa.

Athena: na saan na ba sila?

Lalaki: miss may nakaupo ba dyan?

Tanong nang isang lalaki sa gitna nina Athena at Kenjie.

Athena: wala naman sige maupo kana!

Lalaki: Salamat miss.

Akmang uupo na ang lalaki nang biglang lumapit si Kenjie sa tabi ni Athena. Nakatingin na nagtataka si Athena.

Kenjie: malamig kasi dun, sir pwede dun ka na lang?

Lalaki: sige.

Tuluyan nang nagtabi ang dalawa. Nagsimula na ang misa ngunit wala padin ang dalawa, lingid sa kaalaman nila ay naupo na sina Celine and Francine sa ibang upuan.

Athena: mukhang naisahan nila tayo.

Kenjie: oo nga.

Habang nagsasalita ang pari panay naman ang paypay ni Kenjie gamit ang kanyang panyo.

Kenjie: kainit!

Athena: Akala ko ba malamig kaya lumapit ka sa akin?

Kenjie: narealized ko mainit pala!

Ngumisi lamang si Athena kay Kenjie.
Nang part na upang kantahin ang Ama Namin.

Priest: maghawak tayo nang kamay .

Dahan dahang itinaas ni Athena ang kanyang kamay at agad naman iyong hinawakan ni Kenjie.

**********

KENJIE'S POV

Sa simbahang ito madalas ang puntahan namin ni Athena noon, at ngayong araw na ito sabay naming muli itong binalikan.

Nakakatuwang isipin na katabi ko ang taong matagal ko nang gustong makasama, nang akmang may uupo sa pagitan namin ni Athena agad akong lumapit sa kanya at nagdahilan na lang. Ang sabi ko ay malamig sa pwesto ko pero yung totoo Ayoko lang na tumabi sa kanya yung lalaking yun.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon