Chapter 81✓

329 23 7
                                    


"Dapat tumakas na kayo kanina pa!" Malakas na sigaw ni Zen.

"Tumahimik ka! Gusto mo bang tuluyan ko na kayo Ng Lola mo?"

Napatayo Ang dalawa, kahit na nakatutok sakanila Ang baril ni Angelou.

"Anong ibig sabihin nito?"

With that point bumaba na Mula sa ikalawang palapag Ang limang mga armadong lalaki.

"Ibalik niyo na yang maglola sa Kulungan nila"

"HAYOP KA ANGELOU!!!" Sigaw ni Zen bago sila tuluyang binusalan at dinala sa isang kwarto.

"SURPRISE!! Nabigla ba kayo?"

Susugurin Sana nila si Angelou Ng pigilan sila Ng dalawang lalaki.

"Oooppps! Hanggang dyan Lang kayo, Hindi kayo ganoon kagaling para maipakulong ako Ng ganon ganon Lang!"

"Demonyo ka!!!" sigaw ni Celine.

Lumapit si Angelou Kay Celine at hinawakan Ng mahigpit Ang buhok nito.

"OO DEMONYO AKO!!! AT NAGKAMALI KAYO NANG PINASOK DAHIL IPAPARANAS KO ANG IMPYERNO SA INYO!!!"

"Bitawan mo Ang ate Celine ko!"

Nagpupumiglas na sigaw ni Francine.

"Napaka tapang mo nga talaga , Tama siya! Magpasalamat ka anak ka ni Kenjie Kung Hindi baka kanina pa dumapo Ang mga palad ko sa pagmumukha mo!"

Nanggigigil na tumalikod si Angelou.

"Dalhin na yang mga bago nating alaga sa Kulungan nila."

At nagtungo na sa ikalawang palapag Ang babae.

"Pakawalan niyo kami, maawa kayo" pagmamakaawa ni Celine.

Ngunit Hindi sila nakinig at pilit dinala sa isang kwarto at ipinasok sa isang Kulungan.

Matapos nun ay agad na isinara Ang pinto Ng kwarto.

"PAKAWALAN NIYO KAMI" sabay na sigaw Ng dalawa.

"Itigil niyo Yan! Walang makakarinig sa inyo! Pinapagod niyo Lang Ang mga sarili niyo" sambit ni Zen na nakakulong din sa kabilang Kulungan kasama Ang kanyang Lola.

Tumahimik Ang paligid nila.

"Bakit kayo nagpunta dito?" Usisa ni Zen.

"Akala namin nandito Sina dad!" Sagot Naman ni Fransy.

"Ikaw bakit kayo nandito nang Lola mo?" Usisa din Naman ni Celine.

"Isa akong Suarez" sagot Naman ni Zen.

"Kung ganoon anak ka ni Angelou?" Gulat na tanong ni Francine.

"Parang ganoon na nga!" Natatawa pang sagot no Zen.

"Kung anak ka Niya bakit ginagawa Niya Ito sa inyo?" Si Celine.

"Stepmom ko siya, pinatay niya si dad pinalabas Niya na naheart attack Ito pero Yung totoo may pinainom siya sa daddy ko!"

"Ibig sabihin siya Rin Ang nagpainom Ng Kung ano Kay Lola"

"Mukhang ganoon na nga, nababaliw na siya pag may gusto siya gagawin Niya Ang lahat makuha lamang Yun!" Dagdag pa ni Zen.

Nagkaroon muli Ng katahimikan.

"Papatayin ba Niya tayo?" Nag aalalang tanong ni Celine.

"Huwag niyong alalahanin Ang mga sarili niyo, dahil mas mapanganib Ang kalagayan Ng Mahal niyo sa buhay na nasa labas Ng kulungang Ito!" Sagot ni Zen.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon