ATHENA'S PovHalos mabitawan ko Ang aking cellphone sa sobrang pagkabigla, bigla ko na Lang naalala yung mga sinabi ko sa aking anak kanina Lang.
"I have to go, mukhang Wala ka Naman Ng planong umuwi eh!"
"Siguro sa bahay na Lang sa kapatid mo na lang ako sasabay, stay here if you want masaya ka Naman na dito diba?"
Hindi na ako nagdalawang isip pa iniwan ko roon Ang aking cellphone, bumaba agad ako Ng sasakyan at bumalik sa bahay na tinutuluyan Ng aking anak.
Dahan dahan kong binuksan Ang pinto na pabaksak Kong isinara kanina.
Nasa Mesa na siya kumakain, nakatalikod siya Mula sa akin Kaya hindi Niya na pansin na naroon na ako.
Maririnig mo ang pagtama Ng kutsara sa babasagin na plato, maging Ang panay niyang pagsinghot at napansin ko din ang madiin niyang pagpahid Ng luha.
Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa kalagayan Ng aking anak, kung nagkataon man na tuluyan nanaman akong umalis ay nakapanlulumo pala Ang kalagayan ni Fransy.
Agad akong nagtungo sa kusina.
"Pasabay nga kami ni baby na kumain anak"
Pilit kong pinasaya ang boses ko kahit na pumapatak padin ang mga luha.
Kumuha ako Ng plato at naupo malapit sa kanya.
Nang makakuha na Ng sinangag at pritong Itlog ay sinimulan ko ng kumain.
Alam kong nakatingin lang siya sa akin, Kaya sumulyap ako at tama nga.
Bahagya akong natawa Ng makita ko ang aking anak na subo padin Ang kutsara habang gulat na nakatingin sa akin.
"Kain ka pa anak!"
At nilagyan ko pa Ang kanyang Plato.
"Bu--ma-lik Po ka-kayo?"
Tanong niya sabay pahid Ng luha.
"Anak I'm sorry sa inasal ni mommy. . ."
Hindi ko pa man natatapos Ang sasabihin ko ng agad siyang tumayo at niyakap ako.
"I'm sorry, I'm sorry po mommy, uuwi na Po ako if that's what you want" umiiyak niyang sambit.
Agad ko siyang pinaharap at pinahid Ang bawat luha Niya.
"Really? Babalik kana sa bahay?"
Tumango lamang siya at ngumiti.
"Tahan na anak, pumapangit kana oh"
Natatawa kong sambit na mas nagpangiti pa sa kanya.
Bumalik siya sa pagkakaupo at ipinagpatuloy namin Ang pagkain.
"By the way pupuntahan mo ba si Gretchen mamaya?"
Napahinto siya sa pagsubo.
"I'm just asking, gusto ko sanang sumama Kung pupunta ka man"
Nag angat siya Ng tingin .
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...