Minulat niya ang kanyang mga mata, nakita ang isang lalaki na nakadukdok sa gilid ng kama habang nakaupo sa isang upuan.Sa amoy nito at ayos ng buhok alam na niya kung sino iyon. Kahit pa tila inaantok siya ay hinaplos niya ito sa ulo ,siya namang pagtingin sa kanya ng lalaki.
Athena: pa !
Rey: anak gising kana pala, kamusta ang pakiramdam mo?
Athena: okay po pa, medyo nahihilo.
Rey: ganyan talaga pagnagdadalang tao.
Athena: kaya po ba ako nandito sa hospital dahil nahilo ako kanina ? Kamusta po ang party ni bunso? Sina Kenjie?
Rey: ayos sila anak.
Athena: Bakit po pala kayo ang bantay ko, dapat nagpapahinga na kayo.
Rey: syempre gusto ko munang makita ang anak ko bago tuluyang magpahinga.
Sambit nito at agad na niyakap si Athena, isang napakahigpit ngunit hindi niya alam para bang kulang. Habang magkayakap sila ay may binanggit ang kanyang ama.
Rey: magpakatatag ka anak, mahal na mahal ko kayo ng mama mo.
Napamulat siya ng mata at agad na napabangon gulat ang lahat sa biglaan niyang pag upo.
Rosana: anak kamusta ang pakiramdam mo?
Tanong agad ng kanyang ina na ngayon naglalakad palapit sa kama.
Athena: ma? Ano pong nangyari?
Rosana: magpahinga ka muna anak.
Athena: si papa nandito kanina! Nasaan siya, bigla na lang siya nawala ng magkayakap kami.
Gulat silang lahat na napatingin kay Athena, Kahapon pa nailibing si Rey. Ilang araw na ding natutulog si Athena.
Flora: kailangan mo pa ng pahinga.
Athena: may nangyari ba? Wala akong matandaan, malabo yung naaalala ko...
Natawa siya ng bahagya na tila naluluha pa.
Athena: nagkagulo daw tapos maraming sugatan, I can't remember kung anong event, maraming nakabulagta at. . .
Napatigil si Athena sa part na iyon ng biglang mag flashback lahat ng pangyayari nung araw na iyon.
Rosana: anak huwag mo munang piliting isipin ang lahat. .
Athena: no ma! I need to see him, kung ano ano pumapasok sa utak ko, buhay naman si papa diba.
Napatakip ng bibig si Rosana, at napailing na lamang. Lahat sila ay pigil ng luha dahil gusto nilang maging malakas para kay Athena. Naupo si Rosana sa tabi ni Athena.
Rosana: anak makinig ka, hindi makakabuti sayo ang mga ganitong balita.
Athena: No! Sabihin niyo po sa akin yung totoo.
Rosana: pero. . .
Athena: Ma please!
Huminga ng malalim si Rosana bago banggitin sa anak na. . .
Rosana: I'm sorry, hindi nakaligtas ang papa mo, kahapon nailibing na siya, mahigit isang linggo ka nang natutulog anak.
Athena: no! Noooooo! Hindi totoo yan, buhay siya nandito siya kanina, ka--kayakap ko siya ma please tawagin niyo siya I want to see him... Ma please!
Walang magawa si Rosana kundi yakapin si Athena na pilit nagpupumiglas, gustong tumayo at hanapin ang kanyang ama.
Athena: ma sabihin mong nagsisinungaling ka!
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...