FRANCINE'S POV
Hindi madali para sa akin ang lahat, sa tuwing nakikita ko ang pamilya ko na nagdurusa dahil sa isang paniniwala ko noon ay mas lalong nagiging isang bangungot ang lahat.
Celine: lagi ka na lang ba pupunta dito?
Francine: wala kasi akong makausap ate Celine.
Naupo rin siya sa tabi ko, madalas akong dumadalaw dito sa puntod ni lolo Rey.
Celine: sasama ako sa States!
Francine: magsisimula na ba ang pasukan niyo ate?
Celine: oo eh, chaka 3rd year na ako so pag graduate ko. . .
Francine: sa Italy kana po titira?
Natahimik bigla si Ate Celine, Alam ko namang darating ang Araw na ito. Araw na tatahakin na ni Ate Celine ang Mundo niya ng hindi na ako kasama.
Francine: ate Celine thank you huh!
Celine: para saan naman ?
Francine: Kasi kahit sa States kana nag aaral, bigla ka na lang lumilitaw dito sa pilipinas pagkailangan ka namin.
Celine: para saan pa't naging pamilya tayo? Kaya kahit malayo na ako I promise na babantayan ko si jk sa States.
Francine: tuloy pa rin Pala?
Celine: kailangan eh, don't worry magigising din siya, sa ngayon in charge ka kina tita Athena and Kay tito dad.
Francine: do you think mommy will forgive me? Pagnalaman niya na. . . .
Celine: hindi niya kailangan na malaman, napag usapan na namin nina mama at Papa na hindi na iyon makakalabas.
Francine: salamat ate.
Celine: si tita Stella lang din naman yung nakakaalam diba?
Francine: yes ate, pero hahayaan niya daw ako kung sasabihin ko ba or hindi.
Celine: Alam ko hindi ka ready and si tita rin, hayaan na muna natin na maging okay ang lahat.
Tama sila hindi ito ang tamang panahon para malaman nina Mom and Lola yung nagawa kong mali.
************
NOBODY'S POV
Lumipas ang Araw tuluyan nang dinala si Jhon Khen sa States umaasang doon ay mabibigyan ng pangalawang pagkakataon ang bata upang mabuhay.
Naging maayos na ang kalagayan ni Athena, siya na ngayon ang nag aalaga Kay Kenjie. Bumalik sila ng Manila, muling nagtrabaho si Athena sa hospital kung saan nakaratay ang kanyang asawa.
Rosana: oh apo papasok kana ba?
Francine: opo Lola pero dadalaw po muna ako Kay dad at Kay mommy.
Rosana: oh siya dalhin mo itong mga pagkain sa mommy mo para naman hindi na siya magluluto ng kakainin niya.
Francine: sige po Lola, bye.
Nagpatuloy sa pag aaral si Francine, ngayon ay mas nagamit niya ang regalo ng parents niya na sasakyan.
Nang makarating siya sa hospital agad niyang tinungo ang opisina ng kanyang Ina.
Nakita Niya na bahagyang nakabukas ang pinto, Mula sa labas ay narinig niya si Athena.
Athena: Yes Karyll nakikinig ako!
Tawag Mula sa States iyon, ang tita Samantha niya ang isa sa sumama upang maging bantay ni Jk.
Athena: wala pa rin bang pagbabago?
Napahawak sa may umbok na niyang tiyan si Athena.
Athena: 2 weeks na Simula nung naoperahan siya, baka naman walang ginagawa yung mga doctors diyan.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...