Chapter 78✓

441 26 12
                                    

"Dapat Hindi na Po kayo nagpunta dito, baka Kung mapano pa po kayo at si baby bunso" sermon ni Fransy sa kanyang Ina.

Tahimik lang naman na sumusunod si Athena sa kanyang anak.

"Pasok Po kayo, dito na Lang po kayo umupo, wait Lang Po huh at kukuha lang ako Ng tubig."

Agad na nagtungo si Francine sa maliit na kusina, inilibot Naman ni Athena Ang kanyang paningin.

Isang lumang bahay iyon na may nag iisang kwarto, may maliit na sala at kusina.

Nang tumingin na si Francine ay na abutan Niya Ang kanyang Ina sa nagmamasid sa paligid.

"Tubig Po oh, uminom Po muna kayo" sambit nito at naupo sa tapat na kinauupuan ni Athena.

"Kaninong bahay Ito?" Panimulang tanong ni Athena.

"Isa sa mga pulis Po, si ma'am Mel Po, pero nangungupahan lang Po siya" sagot naman ni Fransy.

"Safe ba Naman dito?" Tanong muli ni Athena habang inililibot Ang kanyang paningin.

"Oo naman Po, at Kung may mangyari man eh malapit lang Naman Po Yung presinto" matawa tawang sambit ni Fransy.

Napatingin Naman si Athena Kay Francine.

"Ay sorry Po joke Lang po,." Napayukong sambit ni Fransy.

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Ah, Wala Po ."

"Paano mo na laman na walang pasok Kung 1week ka nang Hindi pumapasok?" Seryoso na tanong ni Athena.

Nagulat Ng bahagya si Francine, Hindi Niya Alam Kung paano iyon nalaman Ng kanyang Ina dahil kahit ng magkita sila ni Celine ay Wala siyang nabanggit tungkol sa Hindi Niya pagpasok.

"Sorry Po, Hindi ko Naman Po pinababayaan Ang pag aaral ko. . ." sagot nito ngunit Hindi na siya pinatapos ni Athena.

"Don't explain, gusto ko Lang malaman Kung bakit Hindi kana pumapasok?"

"Nawalan Lang Po ako Ng gana, huwag po kayo mag alala inaaral ko parin Naman Po Yung mga lessons" pilit na ngiti ni Francine.

Nagkaroon Ng panandaliang katahimikan sa pagitan nila.

"Dahil ba sa akin Kaya ka nawalan Ng gana?" Basag ni Athena sa katahimikan.

Hindi nagsalita si Francine yumuko lamang siya.

"Hindi ko Alam Kung bakit paulit ulit na lang tayo nagkakaganito anak, noong nakita Kita nung araw na dumalaw ka sa bahay. . ." Kwento ni Athena.

Napatingin Naman si Fransy, naalala Niya na may tumawag sa kanya that time Hindi Niya iyon nilingon dahil sa pag aakalang guni guni lamang Niya iyon.

"That time nakaramdam ako Ng pagsisisi Kasi pinagtabuyan Kita. . ." Naluluha na sambit ni Athena.

Agad na hinawakan ni Fransy sa kamay Ang kanyang Ina.

"Naiintindihan Naman Po Kita mommy" pagpapagaan Ng loob ni Fransy sa kanyang Ina.

"Bumalik kana sa bahay." Sambit ni Athena at hinawakan din Niya sa kamay ang kanyang anak.

"Francine!" Tawag Ng isang babae na kadarating pa lamang.

Tumayo agad si Fransy.

"Ma'am Mel, andito na Po pala kayo" salubong ni Fransy sa babae.

"Nakaistorbo ba ako sa pag uusap niyo?" Nakangiting tanong ni Mel.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon