Chapter 65: Baby JK

564 20 2
                                    


They are all waiting for this moment, to see the most special creature gave by our Creator and to witness his first day living in this world.

************

"Keeejjjiiiee!"

Isang sigaw mula sa ikalawang palapag nang kanilang bahay , sa loob nang pang limang kwarto mula sa kanan patungo sa kaliwa, kung saan nakahiga si Athena at namimilipit sa sakit ng kanyang tiyan.

Kenjie: love papunta na ako, Francine tawagin mo na yung driver Dali!

Francine: eh dad naka day off po si manong ngayon.

Kenjie: sige ihanda mo na lahat ng gamit okay?

Francine: yes dad!

Agad na tinungo ni Kenjie ang kwarto kung na saan ang kanyang asawa.

Athena: saan ka ba galing kanina pa kita tinatawag kenj!

Kenjie: may inayos lang ako, manganganak kana ba?

Athena: can't you see babe? Tumatagaktak na ang pawis ko, baka gusto mo dito na ako manganak?

Kenjie: eh sorry na love, kaya mo pa bang maglakad?

Athena: I can't even move my legs anymore tapos paglalakarin mo pa ako?

Kenjie: sabi ko nga bubuhatin na kita.

Agad na lumapit si Kenjie para buhatin si Athena ngunit.

Athena: ano pa hinihintay mo kenj?

Kenjie: love? Nakaihi kaba?

Athena: huh?

Tinuro niya ang tubig na umaagos sa binti ni Athena.
Sa inis ni Athena hinagis niya ang unan sa kanyang asawa.

Athena: ngayon mo pa talaga pinagana yang curiosity mo? Ano ba bubuhatin mo ba ako o paanakin ko na ang sarili ko dito mismo?

Napakamot na lamang nang ulo si Kenjie at binuhat agad si Athena, naramdaman ni Kenjie ang pagbaon ng kuko ni Athena sa kanyang braso.

Nang makasakay na sila. Nasa likod na silang mag asawa.

Athena: oh sino magmamaneho?

Kenjie: ah ako pala!

Athena: ano? Eh sino kasama ko dito?

Kenjie: yung anak mo, Francine dito kana.

Athena: no! Gusto mo bang masabunutan ko yang anak mo?

Kenjie: huh? Eh sino gusto mo magmaneho?

Athena: na saan ba si manong?

Kenjie: naka day off siya ngayon love.

Athena: whaaatt? I can't take this anymore dito ko na talaga ilalabas si JK.

Francine: you know what mom, dad ako na lang po mag drive!

Kenjie: huh? I want trip to hospital not trip to heaven!

Francine: kaya ko dad! Kesa naman dito manganak si mommy diba? Chaka dad maaksidente man tayo at least sa hospital padin ang punta natin.

Kenjie: pero anak. ..

Athena: pwede ba tama na? Magdesisyon na kayo!

Agad na ibinigay ni Kenjie ang susi anak niya at nagsimula na silang umandar.

Namimilipit naman sa sakit si Athena, maging si Kenjie ay pulang pula ang mukha dahil sa sabunot sa kanya nang kanyang asawa.

Kenjie: ito pala ang sinasabi mo kaya ayaw mo katabi ang anak mo?

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon