Chapter 6✓: Ang Pagbabalik

546 32 0
                                    

NOBODY'S POV

Nagkaroon ng kasiyahan sa tahanan ng mga Salman. Matapos makisalamuha ni Athena sa mga bisita nagpunta Siya sa Garden, dahil sa pool area ginanap ang party.

She opened her Fb account , maraming post na naka tag siya pero halos Hindi na niya matandaan kung Kailan yun, mga friend request na tingin niya estudyante sa University of Manila, notifications at messages na umabot na ng higit isang million.

Hindi na siya nag-abala pang balikan ang lahat dahil sa apat na taon na hindi niya nagawang buksan ang account niya ngayon wala siyang ibang gustong gawin. Ang tangi niyang ginawa nag search siya ng isang pangalan, at Kahit Nakita na niya noon ang latest profile picture ni Kenjie nasaktan padin siya.

Marami nang latest post si Kenjie na sa tingin niya ilan dito ay kinuhanan pa sa Pilipinas.

Nang naramdaman niya na Hindi na niya kaya pang tingnan ang lahat Ng mga pictures ni Kenjie pumunta na lamang siya sa kanyang messages at isang pangalan ang pumukaw sa kanyang paningin.

"Luekas??" Banggit Niya sa pangalan.

At nang buksan niya ang messages ang Lucas na nakilala niya sa cellphone at ang Luekas na nakilala niya sa personal ay magkaiba.

Hinanap niya ang sulat ni Luekas sa kanya, at doon nakasulat na humihingi siya ng tawad sa pagpapanggap bilang Lucas.

"ibig sabihin ibang Lucas ang kausap ko noon? Pero bakit Hindi na siya tumawag?" Pagtatakang tanong nito sa sarili.

Dahil Hindi naman niya binura ang number ng totoong si Lucas, agad niyang hinanap iyon sa kanyang cellphone at sinubukang kontakin.

After 3 rings ay sinagot iyon ng nasa kabilang linya.

"hello?" Bungad ni Athena ngunit matagal bago may sumagot.

"sino Ito?" Sagot ng isang lalaki.

Hindi Alam ni Athena pero parang iba ang naramdaman niya, Ito nga iyong Lucas na dati niyang nakakausap. . .

Nang muli niyang nariniga ang boses ni Lucas nakaramdam siya Ng saya na hindi niya maintindihan pakiwari niya'y na miss niya ang binata.

"this is Athena Salman" pakilala ni Athena na may sigla ang boses.

Tumahimik sa kabilang linya…

"wala akong kilalang Athena." Masungit na sagot ni Lucas.

Parang naulit lamang ang pangyayari noong una silang magkakilala, that time si Athena ang siyang nagsungit ngayon naman ay si Lucas.

"please huwag mo munang ibababa!" Pakiusap ni Athena dahil pakiramdam niya'y bababaan na siya ni Lucas. "Let me explain." Halos pabulong nang sambit ni Athena.

Nanatiling tahimik sa kabilang linya senyales na handa itong makinig sa mga sasabihin ni Athena.

"may nagpanggap na Lucas and akala ko ikaw yun, sabi niya kasi iba na ang number mo so hindi na ako nag-abala na tawagan pa itong number na Ito." Paliwanag ni Athena.

"Si Luekas Verdin ba?" Tanong ni Lucas.

"Oo, kilala mo siya?" Pabalik na tanong ni Athena

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon