Kinakabahan na nakaupo sa Police station si Francine, hinihintay nila na dumating at iharap sa kanila ang sinasabing isa sa may pakana ng lahat ng ito.
Samuel: bakit ba gusto mo siyang makita.
Francine: gusto ko lang po makasiguro na hindi siya ang may pakana nito.
Samuel: Anong ibig mong sabihin?
Francine: nakita ko po sila, nasa isang mataas na bahay sumilip sila matapos ang ilang putukan at ng paputukan sila ng mga pulis chaka po nagpaputok yung isa at natamaan si lolo.
Samuel: malaking katibayan yan.
Police officer: nandito na po siya.
Naglakad na palapit ang babae at ng umupo na ito sa harap nila tuluyan nang tumulo ang luha ni Francine.
Gretchen: Francine. . .
Samuel: ikaw ? Napakasama mo! Hindi mo ba alam kung anong kabaliwan ang ginawa mo?
At susugurin sana ni Samuel si Gretchen ng pigilan siya ng mga pulis.
Police officer: sir tama na po yan.
Gretchen: hindi ako ang may pakana ng lahat ng ito, Francine maniwala ka hindi ko magagawa sa inyo ang ganitong bagay.
Francine: nakita ko kayo, nakita ko kayong dalawa sa bahay na yun!
Gretchen: dahil nakita namin sa bahay na iyon kung sino ang mga bumabaril at nagpunta kami doon pero nakatakas sila chaka nagpaputok ang mga pulis.
Samuel: tingin mo ba paniniwalaan ka namin?
Hindi pinansin ni Gretchen si Samuel hinawakan niya sa kamay si Francine.
Gretchen: pinaputukan nila kami Francine, tinamaan si Abby kaya kinuha ko yung baril.
Francine: chaka mo pinaputok din ang hawak mong baril? Ganoon ba?
Gretchen: oo pero diko sinasadya. . .
Francine: hindi mo ba naisip na baka may matamaan ka? The worst is napatay mo siya!
Napatakip ng bibig si Gretchen, kasabay nun ang ilang butil ng luha niya.
Francine: bakit nagulat ka? Hindi ba yun ang plano mo ang pumatay!!!
Gretchen: maniwala ka sa akin Fransy hindi ko sinasadya. . .
Umiiling na sambit ni Gretchen habang patuloy sa pag agos ang mga luha niya.
Francine: Nakita ko kung paano mo nabaril si lolo at hindi ka pa nakuntento binaril mo din si lola.
Gretchen: hindi ako nakatingin, hindi ko na alam ang ginagawa ko, nung nakita ko na tinamaan si Abby nagdilim na ang paningin ko Francine!!! pinatay ng mga pulis si Abby!
Francine: nagkamali ako, dapat pinahuli na kita noon pa! Pinagkatiwalaan kita!
Agad na tumayo si Francine ngunit hinawakan siya ni Gretchen.
Gretchen: maniwala ka sa akin, nasa panganib ang buhay niyo.
Humarap si Francine na galit ang mga mata na nagpaatras kay Gretchen. Muli nakita nanaman niya ang mga matang Puno ng sakit na noon ay nawala na ngunit ngayon mas nadoble pa dahil sa galit.
Francine: tapos na ang panganib na sinasabi mo, nandito kana sa kulungan mabubulok ka dito at sisiguraduhin kong pagdurusahan mo lahat ng ginawa mo!
Gretchen: please Francine, kung ayaw mo akong patawarin nagmamakaawa ako payagan niyo akong puntahan man lang si Abby bago man lang ako ibalik sa Manila.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...